^

True Confessions

Jamias - 'Mabilis ang pulis' (23)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer M. Jamias, WPD Station 2 Commander.)

"IKAW yung may mapuputi at magagandang ngipin di ba?"

"Ako nga. Kumusta ka na Goody?" tila na-wala na ang kabang naramdaman ni Elmer kanina.

"Okey naman. Ikaw?"

"Okey din."

"Saan ka connected at bakit nalaman mong narito ako sa travel agency?"

Sinabi ni Elmer na isa siyang pulis Maynila at ikinuwento kung paano siya nakita.

"Ang husay mo naman, siguro magaling kang pulis. Naimbestigahan mo na agad ako."

"Hindi naman. Nang makita kasi kita, e hindi na ako mapakali…"

"Naku ha?"

"Si Ding nga pala, siya ba ang napangasawa mo?"

"Sinong Ding?"

"Yung friend ko."

"Hindi. Wala pa naman akong asawa no?"

Sa narinig ay parang lumutang sa alapaap si Elmer. Wala pala siyang dapat ipangamba sapagkat walang nangyari sa ginawa niyang pagbibigay ng love letter dito.

"Ikaw, ilan nang asawa mo?" tanong ni Goody at bahagyang natawa.

"Single pa ako."

"Maniwala ako. Ang mga pulis daw e matutulis."

Napahalakhak si El-mer. Ayaw maniwala si Goody na binata siya. Ganoon naman palagi, ang tingin sa lahat ng mga pulis ay maraming tsik o mahilig sa tsik.

"Totoo. Liligawan nga kita at pakaka-salan kaagad kung gusto mo…"

Natahimik si Goody.

Hindi malilimot ni Elmer ang petsa nang muli nilang pagkikita ni Goody –April 27, 1987. Noong May 4, 1987, ikinasal sila. Ganoon kabilis ang mga pangyayari. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ELMER M

GANOON

IKAW

NOONG MAY

POLICE SUPT

SI DING

SINONG DING

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with