^

True Confessions

Jamias: 'Sa piling ng mahirap' (15)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer M. Jamias, WPD Station 2 Commander)

UNIPORMADO ang mga barung-barong sa squatter’s area na iyon sa tabi ng riles. Gapok na pinagtagpi-tagping kahoy na para bang sa isang tadyak ay bibigay. Ang ibabaw ng bubong ay may nakapatong na goma at hollow block para hindi tangayin ng hangin. Sa kalsada ay nagkatipun-tipon ang mga tao at batang nakahubad at malalaki ang tiyan. Pawang nakatingin kina Elmer at Andoy. Sa mga mata nila ay nagtatanong kung ano ang nangyari kay Andoy.

Nilampasan nila ang mga nag-uusyusong mga tao at pumasok pa sa looban. Mas matindi ang nakita ni Elmer na kahirapan ng buhay. Naitanong ni Elmer sa sarili kung paano napagtitiisan ng mga residente roon ang bahay na maayos pa yata ang kulungan ng aso ng mga mayayaman? Napailing-iling si Elmer.

"Saan ang sa inyo, Andoy?"

"Dito pa, Sir…"

Humantong sila sa isang pantay taong barung-barong na sa harapan ay may mga halamang nakalagay sa lata ng gatas. Itinulak ni Andoy ang tagpi-tagping pintuan.

"Halika Sir dito sa loob," sabi at iniluwang ang bukas ng pinto.

Pumasok si Elmer at lalo pa niyang nakita ang kalagayan ng buhay ni Andoy. Miserable.

"Upo ka sir," iniabot ni Andoy ang upuang yari sa palotsina.

"Sinong kasama mo rito Andoy?"

"Yung mga anak ko sir, nandiyan lang siguro sa may labasan at naglalaro…"

"Ang misis mo?"

Hindi sumagot si Andoy. Pagkaraan ay napailing-iling.

"Lumayas Sir, sumama sa ibang lalaki…"

Si Elmer naman ang hindi nakapagsalita. Nahuhulaan ni Elmer, iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit naisipang magpasagasa ni Andoy kanina. Ikalawa na lamang ang sinasabi niyang kahirapan ng buhay mas matindi ang problema nilang mag-asawa. Kawawa naman, sagad na sa kahirapan ay iniwan pa ng asawa.

Nakarinig sila ng ingay mula sa labas. Mga anak ni Andoy. Marurusing. Anim lahat na ang pinaka-matanda marahil ay 10-taong gulang. (Itutuloy)

vuukle comment

ANDOY

DITO

ELMER

ELMER M

HALIKA SIR

LUMAYAS SIR

POLICE SUPT

SI ELMER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with