Desididong mag-pulis'
November 10, 2003 | 12:00am
Jamias- (Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Commander)
"AKALA siguro ng mga loko-lokong iyon ay mahinang klase ka Elmer," sabi ng kaibigan niyang si Ding. "Hindi nila alam, magpupulis ka at ang pulis e matibay ang loob di ba?"
Tumango lamang si Elmer. Nagkukuwentuhan sila noon ni Ding sa ilalim ng isang punongkahoy.
"Talaga bang Criminology na ang kukunin mo, partner?"
"Oo, Ding."
"Baka naman malimutan mo ako kapag pulis ka na."
"Bat naman kita malilimutan?"
"Siyempre kapag pulis na marami nang trabaho at marami ring bebot, ha-ha-ha!"
"Wala akong hilig diyan," sagot naman niya.
"Talaga ha.,"
Saka ay naalala ni Ding si Goody.
"Bukas, me ipabibigay uli ako kay Goody ha, partner. Pakibigay mo lang."
"Basta ikaw," sagot ni Elmer. "Hindi mo pa bata si Goody?"
"Hindi pa."
"Bilisan mo!"
Tumawa lamang si Ding.
Nag-graduate noong 1979 sa Araullo High School si Elmer. At matibay ang kanyang desisyon na Criminology ang kunin. At sa matibay niyang desisyon, ang kanyang inang nag-aalala ay muling nagpayo.
"Bakit hindi na lamang ang pagpipiloto ang kunin mong karera, Elmer?" may pag-aalala sa tinig ni Aling Elvie.
"Nanay, gusto kong maging pulis."
"Natatakot ako sa mangyayari kapag pulis ka na."
"Huwag kayong kabahan, Nanay. Kaya kong protektahan ang sarili ko," sagot ni Elmer na buo ang loob.
Nag-enrol siya ng BS Crimonology sa Philippine College of Criminology (PCCr).
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended