Jamias (Ika-3 labas)
November 4, 2003 | 12:00am
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)
"AKALA ko ba gusto mong maging piloto, Elmer bakit ngayon pulis na ang pangarap mo?" tanong ng kaibigan niyang si Ding habang naglalakad sila sa corridor ng Araullo High School. Si Ding ay kaklase at matalik niyang kaibigan.
"Gusto ko rin kasing maging piloto."
"Pulis at saka piloto? Isa-isa lang, partner..."
"Pulis talaga."
"Bakit ba pulis?" tanong ni Ding.
Ikinuwento ni Elmer ang pangyayari kung saan ay namatay ang kaibigan at kalarong si Nestor dahil sa pag-aaway ng dalawang gang sa kanilang lugar sa Anak-Bayan, Paco.
"Sabog ang ulo ni Nestor, bukod doon yung batang babae ay tinamaan din ng ligaw na bala. Patay sila pareho."
Nakatingin lamang si Ding habang nagsasalita si Elmer. Sa mukha ni Ding ay nalalaman na niya kung bakit ganoon na lamang ang pagnanais ni Elmer na maging isang pulis.
"Di ba kailangan sa pulis ay magaling bumaril."
"Oo."
"Pano kung di-ka magaling bumaril."
Mag-aaral ako. Pinag-aaralan naman yon. Basta hilig mo, kaya mo. Magiging sharpshooter ako pagdating ng araw. Kakalabanin ko ang masasama. Tulad ng mga nakapatay kay Nestor at sa batang babae."
"Wow!"
Bumaba sila patungo sa ground floor ng Araullo. Subalit bago nakababa ng hagdanan ay nakadama ng pag-ihi si Ding.
"Punta muna tayo sa CR. Ihing-ihi na ako, partner!"
Nang palabas na sila ng CR ay eksakto namang lumalabas din sa CR ng mga babae ang isang magandang dalagita, mukhang Espanyola. Nakita nina Elmer at Ding ang dalagitang Espanyola.
"Kilala mo ba kung sino yon?" tanong ni Ding kay Elmer.
"Hindi. Pero madalas ko siyang makita. Ang ganda no?"
Katagalan, nalaman nilang Goody ang pangalan ng dalagitang mala-Espanyola ang beauty.
"Gusto ko siyang maging girlfriend, Elmer," bulalas ni Ding.
Hindi naman kaagad nakasagot si Elmer. Paanoy crush din niya si Goody.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended