Susie san: Japayuki (Ika-71 labas)
October 30, 2003 | 12:00am
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito
ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)
BUNTIS ako! Iyon ang dahilan kaya bumaligtad ang aking sikmura at nagduduwal ng umagang iyon.
Agad akong dinala ni Toshi sa isang pribadong ospital nang umaga ring iyon. Tsinek-ap. Nagkaroon ng konklusyon na buntis ako. Isinailalim ako sa pregnancy test. Positibo!
"Sono tori desu!" sabing masaya ni Toshi. Wala siyang kasing-ligaya sa balitang magkakaroon na kami ng akachan (baby).
"Akala ko kung ano na ang sakit ko," sabi ko pagkaraan kay Toshi.
"Dapat magingat kah ngayon at baka malaglag baby natin, Susie san," sabi at niyakap ako. Nakatingin sa amin ang isang pasyente habang nakaupo kami sa konkretong upuan na nasa lobby ng ospital.
"Hindi ko akalain na magbubuntis ako dahil hindi naman madalas ang "pag-aano" natin di ba?" kinurot ko si Toshi sa braso.
"Kasi ikaw wala nah hilig sa hotdog," at saka nagtawa. Kinurot ko uli sa braso.
"Ano ang gusto mo anak, Toshi, babae o lalaki?"
"Gustoh ko onna no ko."
"Babae?"
"Oo."
"Ayaw mo otoko no ko?" (lalaking baby)
"Ayoko."
"Bakit?"
"Meron nah ako anak otoko no ko."
"Oo nga pala."
Labis ang pag-iingat na ginawa ni Toshi sa akin. Hindi na muna ako pinagpatuloy sa pag-aaral ng management. After na raw makapanganak ako. Makapaghihintay daw iyon. Ang kalagayan ko raw ang mahalaga at ang aming magiging anak.
Regular niya akong dinadala sa ospital para sa check up. Kung anu-anong pagkain ang binibili sa akin para raw lumakas ako at ang batang nasa sinapupunan ko. Kapag sagana raw sa pagkain ang ina at malusog, tiyak na ganoon din ang isisilang na sanggol. Wala akong mahihiling pa sa pagmamalasakit ni Toshi habang ako ay nagbubuntis. Walang kasingbait si Toshi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended