^

True Confessions

Susie san: Japayuki (Ika-70 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

MULA sa Shizouka na siyudad ni Toshi ay lumipat kami ng Kobe City. Doon kami bumili ng bahay at lupa at magsisimula ng aming buhay. Doon din namin pinagplanuhan ang mga negosyong nasimulan na niya at pauunlarin pa. Magandang lungsod ang Jifu na minsan ko na ring narating nang magbakasyon kami ni Toshi noong kakakasal pa lamang. Tahimik at isang magandang lugar para sa nagsisimula.

Pinag-aral ako ni Toshi na may kinalaman sa business management. Sa una’y mahirap sapagkat kailangang makabisa ko munang mabuti ang Nipponggo o Nihonggo. Matigaya akong tinuturuan ni Toshi. Paunti-unti raw ay matututuhan ko ang kanilang lengguwahe at kapag nangyari iyon, uunlad ang aming business.

"Ditoh Japan, diskarteh rin ang puhunan sa lahat. Meron dito matalinoh paero wala diskarteh sa buhay," sabi nito minsang tinututor ako sa pamamaraan ng paghawak ng tauhan para sa food business.

"Hindi lahat ay talino ang kailangan?" tanong ko.

"Oo. Kapag may diskarteh kasi madali lang ang lahat. At saka dapat moh lamang pasukang negosyo yung alam mo. Huwag kang papasok sa negosyong hindi mo kabisado. Marami ganyan dito sa Japan."

"Maski sa Philippines maraming ganyan kaya walang umaasenso. Lagi bagsak!"

"Yan ang dahilan kaya kita pinag-aaral ngayon."

Sa mga sumunod na buwan ay abalang-abala kami. May pagkakataong palipat-lipat kami ng siyudad. Punta sa Shizouka, balik sa Kobe, punta sa Osaka, Mino at kung saan-saan pa. Hanggang sa nasanay ako. Madali lang pala.

Isang umaga, gumising akong bumabalig-tad ang sikmura. Takbo ako sa banyo at doon nagsuka nang nagsuka.

Hindi ko alam nasa likod ko pala si Toshi.

"Anoh nangyarih Susie san?" alalang-alala siya.

"Masama ang pakiramdam ko. Pinapawisan ako nang malamig"

Lalo nang nag-alala si Toshi.

(Itutuloy)

ANOH

DITOH JAPAN

HANGGANG

HUWAG

ISANG

ITUTULOY

KOBE CITY

SHIZOUKA

TOSHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with