^

True Confessions

Susie san: Japayuki (Ika-69 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(A ng ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtatapat)

LUMIPAD kami patungong Japan makaraan ang ilang araw. Kasama na namin si Trina. Malungkot sina Itay at Tony nang inihatid kami sa airport. Ang jeepney ni Itay ang naghatid sa amin. Si Tony na noon ay fourth year na sa Engineering ay pawang paalala ang sinabi sa akin. Mahalin ko raw si Toshi. Hindi na raw ako makakakita pa ng katulad nito kaya dapat ay gantihan ko iyon ng labis na pagmamahal at katapatan. Hindi ko na raw dapat pakawalan pa ang suwerteng dumating sa akin.

"Opo, Sir" sagot ko kay Tony. "Ikaw, pagbutihan mo naman ang pag-aaral. Ipangako mo sa akin na isa ka sa magiging top ten kapag kumuha ng board."

"Pagpipilitan ko Ate. Ngayong wala na akong gaanong naiisip na problema, tiyak na magagawa ko ang pangako."

Alam ko, problema rin ni Tony ang mga nangyari sa akin. Ang sakit na dinadala ko ay dala rin niya.

"Huwag mong pababayaan si Trina, Ate."

"Oo. Ikaw naman, huwag mong pababayaan si Itay. Baka maglasing nang maglasing."

"Hindi na siya naglalasing Ate. Mula nang may ipinapasadang jeepney ay kumikita ay hindi na umiinom. Kita mo’t wala siyang bukambibig kundi ang kanyang jeepney."

Narinig yata ni Tatay ang pag-uusap namin ni Tony kaya sumali sa usapan. Pati si Toshi ay nakisabat.

"Anak, siguro naman kapag matagal ka na sa Japan, baka puwedeng FX na ang ibigay mo sa akin."

"Sabihin n’yo rito kay Toshi."

Sumagot si Toshi, "Huwag kah alalah Tay. Akoh bahala. Mga one year lang padala kita FX."

"Puwede ba Made in Japan?"

Nagtawa ako. Pati si Tony ay napatawa na rin.

"Kailan kayo babalik dito Ate?" tanong ni Tony pagkaraan.

"Sabi ni Toshi, after one year. Gusto nga sana niya after six months kaya lang masyadong hectic ang schedule niya. Lalo pa raw at taglamig ngayon sa Japan."

"Matagal pala tayong d-magkikita."

"Saglit lang iyon."

Nang papasok na kami sa loob ng airport, ibig kong mapaiyak.

(Itutuloy)

AKOH

ALAM

ANAK

HUWAG

IKAW

PATI

SI TONY

TONY

TOSHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with