Susie san: Japayuki (Ika-59 labas)
October 18, 2003 | 12:00am
(Ang mga pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may akda sa pakiusap na rin ng nagtapat.)
HINDI ko malaman ang gagawin. Sa dakong huli lumabas na ako para umawat. Delikado si Itay. Wala siyang laban sa walanghiyang si Roy. Ang isang addict ay walang kontrol sa sarili. Kapag tinopak ay maaaring manaksak.
Narinig ko ang pagmumurahan ng dalawa. Ang "putang ina" ay nagliparan sa kalye. Gusto kong matunaw sa kahihiyan sapagkat marami nang tao ang nag-usyuso. May narinig aking nagsabi na tumawag ng barangay tanod.
"Palamon ka ng anak ko hayop ka, umalis ka rito at huwag siyang istorbohin," sabi ni Itay.
"Tarantado kang matanda ka, hwag kang makialam dito dahil asawa ko si Susie."
"Ulol me asawa na yan. Anong asawa ang sinasabi mo?"
"Asawa ko siya!"
"Gago!"
"Sinong gago?"
"Ikaw!"
Dumampot ng bato si Roy at ihahampas sa mukha ni Itay. Mabilis akong sumugod.
"Huwag!" sabi ko.
Pero naihampas na nito ang bato at tinamaan sa balikat si Itay.
"Tumawag kayo ng pulis at baka manaksak pa yan!" Sigaw ng isag babae..
Nang makarinig ng salitang pulis, mabilis na umalis si Roy.
Dinaluhan ko si Itay. Malakas din ang pagkakahampas sa balikat na naging dahilan para mapalupasay.
Nang magtaas ako ng paningin, sa amin lahat nakatutok ang mga mata ng mga kapitbahay. Nakakahiya!
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended