^

True Confessions

Susie san: Japayuki (Ika-36 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang mga pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may akda sa pakiusap na rin ng nagtapat.)

KUNG titingnan ay seryoso si Toshi Yashikawa subalit kapag kausap na pala ay masayahin at may sense ang mga sinasabi. Ang totoo ay hindi pinapayagan sa Madame Rose na makipag-usap ang katulad kong singer sa customer pero dahil sa maayos naman ang kanyang pakiusap, napapayag si mama san. Ako ay su-nud-sunuran lang. Wala namang masama kung makipag-usap sa akin si Toshi.

"Dozo yoroshiku,"
sabi niya nang nakaupo na ako sa tabi niya. Ikinagagalak daw niya akong makilala.

"Watashi mo so desu,"
sagot ko. Ganoon din naman ako sa kanya.

"Anata no
onamaewa?"

Ano raw ang pangalan ko. Sinabi ko. Pagkatapos ay siya naman ang nagpakilala. Isa raw siyang negosyante. May-ari ng ilang restaurant sa Shizouka. Biyudo at may dalawang anak. Fifty three ang edad.

"Nansai desu ka?"
(Ilang taon na raw ako.)

"Twenty two."

Ang kasunod na mga tanong ay tungkol sa kung saan daw ako nagsimulang kumanta. Hanga raw siya sa akin dahil sa husay kumanta. Siya man daw ay mahilig din sa music. Proessional singer daw ba ako sa Pilipinas.

Sinabi kong dito sa Shizouka ako unang kumanta. Ito ang unang pagkakataon na makakanta sa isang club.Hindi naman kagandahan ang boses ko. Nagtawa nang sabihin kong minsan ay nagiging boses palaka rin ako. Hindi naman daw boses palaka kundi boses ipis.

Nang maubos ang iniinom na biru ay nagpaalam na sa akin. Marami pa raw siyang aasikasuhin sa kanyang restaurant. Nag-iwan ng tip, isang lapad! Shock ako! Galante ang loko.

Kinabukasan, nandoon na naman siya. Nasa isang sulok at taimtim na pinanonood ang aking pagkanta habang sumisimsim ng malamig na biru.

Nginitan ko si Toshi sa pagkakataong iyon. Ginantihan naman niya. Nakiusap uli sa may-ari ng Madame Rose na makipagkuwentuhan sa akin. Hndi ko alam, mayroon palang ireregalo sa akin ang kumag. Relo –isang mamahaling relo.

"Thank you," sabi ko.

Iyon ang umpisa ng pagbaha pa ng mga regalo mula kay Toshi.

(Itutuloy)

AKO

ANATA

ANO

MADAME ROSE

NAMAN

SHIZOUKA

SINABI

TOSHI

TOSHI YASHIKAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with