Susie san: Japayuki(Ika - 28)
September 17, 2003 | 12:00am
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)
MASARAP ang almusal sa bahay na iyon. Pagmumurahan. Habang nagsasalita ang kuya ni Roy ay hindi ako humihinga. Nagpalitan pa sila ng masasakit na salita. Nang mapatingin sa akin ang kuya, pati ang pagiging japayuki ko ay naungkat. Ikinukuwento siguro ako ni Roy kaya nalamang japayuki ako.
"Siya pala yung japayuki," sabi ng kanyang kuya na ang pagkakatingin sa akin ay matalim.
"Siya nga. Ano ngayon?" sagot ni Roy.
"Wala. Kukuha ka rin lang japayuki pa."
Nag-init na ako. Kanina pa ako nagtitimpi. Sumabog ang galit.
"Ano bang pakialam mo kung japayuki ako? Ano bang akala mo sa japayuki. Itanong mo nga kay Roy!"
"Lokohin mong lolo mong kalbo!"
Akmang susugurin ni Roy ang kuya dahil sa sinabi sa akin subalit nakalapit ang kanilang ina at inawat. Natigil ang away. Umalis ang mag-asawa. Natahimik ang bahay.
Ako ay walang tigil sa pagnguyngoy. Nang mahimasmasan, niyaya ko na si Roy.
"Umalis na tayo rito. Unang araw ko pa lamang puro problema na paano kung dito pa tayo titira?"
Hindi nagsasalita si Roy. Tulala. May epekto ang pagsasagutan nila ng kuya nila.
"Bumalik na tayo sa amin. Makakaya kong salita ni Itay pero hindi rito sa inyo."
"E, kung ako naman ang balingan ng Itay mo. Delikado naman ako. Sa iba na lang tayo tumira."
"Kanino?"
"Bahala ka."
Talagang hindi ko mapilit na sa amin tumira. Kung pipilitin ko baka lalo lamang masira ang pagsasama namin. Kawawa naman ako buntis na ay iniwan pa ng asawa.
"Umupa tayo kahit maliit na kuwarto," sabi Roy.
"Pero kokonti na ang pera ko. Panggastos na lang natin sa ilang araw."
"Di ba sabi mo may kaibigan ka sa Japan. Tawagan mo muna at utangan mo."
Si Au ang sinasabi ni Roy. Nang mga panahong iyon ay nagbabalak na ring umuwi si Au kasama ang kanyang asawang Hapones.
"Sabihin mo babayaran mo rin kapag nakabalik ka roon," sabi ni Roy.
Naisip ko talagang walang balak magtrabaho ang lalaking ito at ako ang inaasahan. Pababalikin ako sa Japan.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended