Susie san: Japayuki (Ika-26 labas)
September 15, 2003 | 12:00am
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat. )
BUMANGON nang tuluyan si Roy. Nakakunot ang noo.
"Anong problema Ate?"
"Umeebak ako nang biglang pumasok ang babaing iyan sa banyo. Sino ba yan?"
"Si Susie. Asawa ko."
"Asawa?"
"Oo. Bakit?"
"Wala ka namang trabaho paano mo pakakainin yan?"
"Pakialam mo!"
"Pagsabihan mo yan na huwag basta papasok sa banyo."
"Ano bang problema mo? Para yon lang, nagpuputak ka na. Parang bahay mo ito ah!"
"Anong gusto mo, isumbong kita sa Kuya mo? Tarantadong to."
"Tarantado ka rin."
Nahulaan ko sa kanilang pag-uusap na hipag ni Roy ang babae. Asawa ng kuya ni Roy. Nang nasa kainitan ang pagtatalo ay lumabas ang nanay ni Roy. Gusot ang buhok na para bang karakter sa isang horror movie.
"Tigilan nyo yan, ang aga-aga. Mga buwisit!"
"Ito kasing anak nyo kala mo kung sino kung magsalita. Parang bahay ko raw ito," sabi ng hipag ni Roy.
Hindi nagsalita ang nanay ni Roy. Nakatingin lamang. Pinalipat-lipat ang tingin sa akin at kay Roy.
"Sabi ko pagsabihan ang kasamang babaing iyan dahil basta na lamang pumapasok sa banyo, e kung anu-ano nang sinabi. Pwe!"
"Pwe ka rin," sagot ni Roy.
"Isumbong kita sa Kuya mo!"
"Magsumbong ka!"
Biglang umalis ang hipag ni Roy. Ibinalibag ang pinto. Ang mga batang naghahagikgikan kanina ay pawang natameme. Napatungo na lamang ako. Ganito pala ang babagsakan ko. Umagang-umaga at ang almusal ay pagmumura. Wala pang laman ang sikmura subalit kargado na ang isip sa problema. Unang araw ko pa lamang subalit nakikita ko na ang mga mabibigat pang problema.
"Tarantadong babae yan kala yata, hindi ko alam na sa beerhouse lang napulot ni Kuya," sabi ni Roy at sinimulang tiklupin ang inilatag na banig at kumot sa sahig. Inagaw ko sa kanya at ako ang nagtiklop.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended