Susie san:Japayuki (Ika-10 labas)
August 30, 2003 | 12:00am
(Ang mga pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may akda sa pakiusap na rin ng nagtapat.)
"GOKIGEN ikaga desu ka?" (Kumusta ka?)
Ang Hapones ay hindi kalakihang lalaki subalit matipuno ang pangangatawan. Sa tipo ay parang tigasin. Hindi ko ipinahalata na baguhan lamang ako sa club.
"Hai, okagesama de," sagot ko naman. (Mabuti naman.)
"Anata no onamaewa? (Anong pangalan mo?)
"Wastashi wa Susie dela Cruz."
"Susie sang", sabi at nagtawa.
Marami pang itinanong sa akin ang Hapones na nalaman kong Ito ang pangalan. Sabi ni Au, madalas nang parukyano si Ito sa club na iyon. Bolero at kung minsay basagulero lalo na kung nakainom. Pero may pagkakataong galante lalo na kapag walang topak.
"Hindi kita pinagbabawalang makipag-usap kay Ito pero kung magagawa mo e umiwas ka," sabi pa ni Au sa akin.
"Paano kung magalit?"
"Isumbong mo sa mama sang."
May pagkakataon na kapag hindi ako nagsasayaw ay nagsisilbi ako sa mga customer at iyon naman ang sinasamantala ni Ito para ako makausap. Gusto ko mang iwasan ay hindi ko magawa. Kaya ang nangyayari, pinakikiharapan ko na. Naisip ko kapag maayos ang pakikipagharap e hindi magiging bastos.
"Dozo yoroshiku," sabi pa at kinamayan ako. Hindi naman ako tumanggi.
"Watashi mo so desu."
Matapos ang pakikipagbolahan ko sa kanya ay inabutan ako ng lapad. Siyempre, tinanggap ko. Sideline ko iyon.
Hindi ko alam na ang pagpapakita ko sa kanya ng ganoong aksiyon ay ipinagkamali na may gusto ako sa kanya. Gusto akong ilabas. Tumanggi ako at mula noon ay iniwasan na siya pero mapilit pa rin.
"Isumbong na natin kay mama sang, walanghiyang iyan."
Isinumbong naman at mula noon ay hindi na nagpakita si Ito. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Makalipas ang anim na buwan ay umuwi ako ng Pilipinas. Masayang-masaya si Itay at Tony. Marami akong uwing pera. Si Roy, masayang-masaya rin. Gigil na gigil sa akin nang magkita kami.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended