Susie san:Japayuki (Ika-7 labas)
August 27, 2003 | 12:00am
(Ang mga pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may akda sa pakiusap na rin ng nagtapat.)
PARA patunayan ko kay Roy na kahit magja-Japan ako, siya pa rin ang mahal ko, nakipag-sex ako sa kanya. Maingat naman ako para hindi mabuntis. Kapag nabuntis ako, tapos ang aking pangarap na maging entertainer. Ginawa ko iyon dahil sa laki ng pagmamahal ko kay Roy. Siya kasi ang unang boyfriend ko. Maraming nanliligaw sa akin subalit iba si Roy. May kakaibang karisma at malakas ang appeal. Iyon yata ang animal appeal na tinatawag. Ewan ko.
"Baka kung sinu-sino naman ang pakialaman mo kapag nasa Japan na ako. Lagot ka sa akin," sabi ko kay Roy.
"Para kang sira," sabi at dinukwang ang sigarilyo sa table. Nasa isang motel kami sa Sta. Mesa. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng pera siguroy kinupit sa inang tindera.
"Yang guwapo mong yan tiyak marami kang mauuto," sabi ko pa.
Iba ang sinabi, "Kapag nasa Japan ka na, ibili mo ko ng motorbike ha?"
"Bakit doon pa?"
"Para made in Japan, ha-ha-ha."
"Ugok!"
"Kailan ba ang alis mo talaga?"
"Malapit na. Inaayos pa ang papeles ko. Dinaya na nga lang ang edad ko. Saka yung pangalan ko balak daw palitan. Ewan ko."
"Baka peke yan. Baka sa halip na Japan e sa Gapan ka dalhin."
"Korni mo! Upakan kita diyan."
"Itinanong mo ba kung lisensiyado?"
"Marami nang napaalis ano?"
"Saan bang agency?"
"Sa may Morato."
Muli kaming nag-sex, tatlong araw bago ang aking pag-alis. Pabaon daw sa akin.
Walang naghatid sa akin sa airport sa araw ng aking pag-alis. Si Itay ay masigla. Paanoy sinabi kong ibibili ko ng dyipning pamasada. Si Tony ay tahimik lang. Ayaw kasi nitong mag-Japan ako. Sabi ko, kailangan dahil pag-aaralin ko siya sa college ng computer engineering. Kung hindi ako aalis, pare-pareho kaming mamamatay sa gutom.
"Ingat ka Ate," sabi ni Tony nang nasa may pintuan na ako. Namumula ang mga mata.
Gusto kong mapaiyak pero pinigil ko. Baka masira pa ang mga plano ko sa buhay.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended