^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-114 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

"BAKA maunahan pa kita Ate Sol, sige ka," sabi ni Dang na sa palagay ko’y totoo sapagkat matagal na rin itong may boyfriend.

"E di mauna ka," sagot ko. "Nasa tamang edad ka na naman at maganda ang trabaho. Yung boyfriend mo ba, sigurado na sa iyo."

"Sure na sure na."

"Nakahanda na?"

"Oo. Ako na lang ang hinihintay. Hindi naman ako makapagpasya dahil gusto ko, mauna ka muna. Kung mauna ako kawawa ka naman dito."

"Sumige ka na."

"Paano ikaw? Maiiwan kang mag-isa rito."

"Kaya kong mag-isa."

"Wala ka bang mapili sa mga nanliligaw sa iyo?"

"Wala nga."

"Masyado ka kasing pihikan. Ikaw din baka ‘yang pagiging pihikan mo e bagsakan mo ’yung may masamang ugali."

"Hindi."

Pero ang totoo, pinag-isip ako ng mga sinabi ni Dang. Kapag nag-asawa siya, maiiwan ako. Totoo iyon. At ang sinabi kong maaari naman akong mag-isa, iyon ay pilit sa kalooban ko. Gusto ko na ring magkaroon ng pamilya. Pangarap kong magkaroon na rin ng asawang mabait, responsable at magkaanak. Isang pamilyang masaya.

Pero ano ang gagawin ko? Wala akong mapisil sa mga lalaking nagkakagusto sa akin. Maraming nagpapahiwatig sa akin subalit hindi makaakit sa panlasa ko. Mayroon akong hinahanap sa lalaki at iyon ay hindi ko makita sa mga lalaking nagpapahiwatig ng pag-ibig sa akin. Kaibigan lamang ang turing ko sa kanila.

Minsan, sabi ni Dang, baka raw dumating ang panahon na wala nang manligaw sa akin sapagkat mataas na raw ang kinalalagyan ko. Wala nang mangangahas sapagkat nasa ituktok na ako. Sabi ko kay Dang, kahit naman nasa ituktok ako, marunong pa rin akong tumungo. Hindi ako mapagmataas.

Maski sa pagtulog ay naiisip ko pa rin ang mga sinabi ni Dang hanggang sa makatulugan ko ang mga iyon.

(Itutuloy)

AKO

ATE SOL

IKAW

ISANG

ITUTULOY

KAIBIGAN

KAPAG

PERO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with