Maria Soledad (Ika-107 labas)
August 7, 2003 | 12:00am
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)
NAGPATULOY sa pagkukuwento si Dang tungkol sa buhay ni Ate Neng at Tatay. Mahirap ang kanilang naging buhay. Hindi ko maiwasang makadama ng awa sa kabila ng masasakit na karanasang dinanas ko sa kanila.
"Hindi na pala sila sa dating bahay natin sa may harapan ng Sta. Ana Racing Club nakatira," sabi pa ni Dang na ang boses ay inihina upang hindi marinig siguro ng aming maid.
"E saan na raw nakatira?"
"Sa isang squatters area sa may Pasig Line. Kaya pala para ganoon karurusing ang mga anak ni Ate Neng."
"Anong nangyari sa tindahan sa palengke na pinundar ni Inay?"
"Wala na. Ibinenta na ang puwesto. Yung asawa raw ni tatay na pokpok ang nagbenta. Iyon daw ang matindi nilang pinag-awayan, sabi ni Ate Neng. Nagsabunutan sila sa palengke. Mabuti nga raw at hindi niya nasaksak ang pokpok."
"Anong ginawa ni Tatay nang malamang ibinenta na ang puwesto?"
"Wala raw. Takot pa raw si Tatay. Mas masakit na pati yung separation pay daw ni Tatay ay nagastos na walang kapararakan. Yung babae ring pokpok ang umubos."
Nanatili akong nakikinig kay Dang.
"Nang magkasakit si Tatay at nang makitang wala nang mahuhuthot ang pokpok, umalis na."
"Si Ate Neng, bakit andaming anak?"
"Mahilig kasi. Pagkatapos makipaghiwalay sa unang asawa, nagpaligaw uli at naanakan. Hindi pa rin nakatapos ng kurso. Nang maanakan, iniwan uli ng lalaki. Hindi pa rin nadala, nagpaligaw uli. Kaya ayun, lima ang anak na parang hagdanan." (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended