^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-100 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

NALIWANAGAN ako sa sinabi ni Ate Josie. Bakit nga ba ako mag-aalala? Bakit nga ba hindi pawang magaganda at positibo ang isipin ko? Panahon na rin daw para naman pag-ukulan ko ng pansin ang aking sarili na matagal nang nagdusa dahil sa pang-aapi ng lalaking inakala ko na aking ama. Ang sarili ko naman daw ang pagbuhusan ko ng pansin.

"Ang makabubuting isipin mo ay ang iyong pag-aaral. Pagbutihin mo pang lalo at nasisiguro ko, maganda ang hinaharap mo. Huwag mong alalahanin si Dang at nasa mabuting kamay naman siguro iyon."

Napatango ako. Sumang-ayon sa mga payo ni Ate Josie. Kailangang bigyan ko ng pansin ang sarili.

Naisip ko rin naman, malakas at matibay na babae si Dang. Hindi basta-basta matatakot. Buo ang desisyon at kapag sinabi ay ginagawa.

Mula noon, wala na akong nabalitaan tungkol kay Dang at maging sa mga nangyayari sa kinagisnan kong bahay. Mabuti para sa akin sapagkat nabawasan ang aking mga iniisip at problema. Nawala ang mga alalahanin.

Taon ang lumipas. Nasa huling taon na ako ng Mass Communication. Hindi sa pagmamayabang kahit na working student ako ay nangunguna ako sa klase. Majority sa panggabing klaseng iyon ay mga estudyanteng nagsisipagtrabaho. Mabibilang lamang ang mga fulltime student. Pero kung tutuusin, mas mabigat ang trabaho ko kaysa sa mga kaklase. Hirap ang katawan ko sa maghapong pag-sisilbi sa mga kustomer. Karamihan sa mga kaklase ko ay nagtatrabaho bilang clerk sa opisina, mayroong student assistant sa library at ang iba ay sa opisna ng senador, proofreader sa diyaryo at iba pa.

Gayunman nakaaangat pa rin ako sapagkat nangunguna nga ako sa klase at ako rin ang kanilang muse.

Nang malapit na ang aming pagtatapos at inihahanda ko ang aking thesis para sa requirements, kinausap ako ni Ate Josie.

"Huwag ka nang magsilbi sa mga customer sa fastfood Sol," sabi nitong marahan.

"Bakit Ate?"

"Mag-concentrate ka na lamang sa pag-aaral. Alam ko marami kang inaasikaso ngayon dahil graduating."

"Paano ako susuweldo, Ate? Wala akong ibabayad sa graduation fees at pang-rent ng toga."

"Ako nang bahala. Huwag mo nang intindihin iyon."

Umiyak akong napayakap kay Ate Josie.

(Itutuloy)

AKO

ALAM

ATE

ATE JOSIE

BAKIT

BAKIT ATE

HUWAG

MASS COMMUNICATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with