^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-97 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

PROBLEMA pa rin si Ate Neng at sa pagkukuwento ni Dang, pati ang kinikita sa tindahan sa palengke ay pinakikialaman. Mula nang maglayas ako, si Ate Neng na ang namahala roon. Kumuha ng isang tindera at kung Sabado at Linggo ay si Ate Neng at si Dang ang nagtitinda. Pero walang nangyayari sa kita sapagkat nauubos nang walang kinapupuntahan dahil kay Ate Neng. Palabas nang palabas ang pera at kaunti ang pumapasok. Maluho raw kasi si Ate Neng na para bang mayaman. Mayabang lalo na sa unibersidad na kapag kasama ang mga kaklase. Hindi naman daw pinupuna ni Tatay at maging ang operasyon ng tindahan ay hindi rin nito pinakikialaman. Pinaubaya kay Ate Neng ang lahat.

"Ewan ko kung anong mangyari sa tindahan natin. Sayang ang pagsisikap ni Inay na maipundar iyon," sabi ni Dang.

"Sayang talaga Dang. Malaki ang pagod ni Inay diyan. Hindi naisip ni Ate neng na sa kita sa palengke kumuha si Inay nang pinagsuporta sa kanya noong una siyang makipagtanan at mabuntis."

Narinig ko ang malalim na buntunghininga ni Dang.

"Problema pa rin si Ate Neng. Gusto ko na tuloy umalis din dito at sumama na lang sa’yo…"

"Huwag! Hindi pa ngayon. Nagsisimula pa lang ako. Kapag nakatapos ako sa pag-aaral at may magandang trabaho, saka tayo magkakasama."

Nakahinga nang maluwag si Dang sa sinabi ko.

Five years evening program ng Bachelor of Arts ang pinasukan ko sa isang sikat na unibersidad. Magaan kong naipasa ang exam. Naipagpasalamat ko na isang ride sa jeepney ang layo ng unibersidad sa fastfood na pinagtatrabahuhan ko. Pagkatapos ng trabaho ko ng 4 p.m. ay mabilis akong maliligo at saka maghahanda sa pagpasok sa school. Alas-singko ang klase ko na matatapos ng 9 p.m. Twelve units lamang ang load ko.

Pagkatapos ng klase ko ng 9 p.m. ay deretso agad sa pag-uwi at makaraang ayusin ang sarili ay ang mga assignment ang aatupagin. Dakong 11 p.m. ay matutulog at alas-kuwatro ng umaga ay gigising para gampanan ang trabaho sa fastfood.

Araw-araw ay ganoon ang aking schedule. Linggo naman ang aking day-off. Sa araw na iyon kami nagkikita ni Dang.

(Itutuloy)

ATE

ATE NENG

BACHELOR OF ARTS

DANG

INAY

LINGGO

NENG

PAGKATAPOS

SAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with