^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-79 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

"E ano naman kung may kasama siyang babae?"

"Naiinis ako."

"Ate Marisol, tigilan mo ang crush-crush na yan at baka masampal ka naman ni Tatay."

"Crush lang naman. Anong masama ron?"

"Basta tigilan mo."

"Siguro ang babaing iyon ang nakuha niyang partner sa JS prom," sabi ko pa.

"Nagsisisi ka at hindi ka pumayag na ikaw ang kuning partner."

"Hindi ah."

"Maganda ba ‘yung babaing kasama?"

"Medyo."

"Mas maganda kaysa iyo?"

"Siyempre mas maganda ako."

"Yabang nito," sabi ni Dang at kinurot ako sa braso at pagkatapos ay ibinulong na talaga namang maganda ako. Maski raw sa buong fourth year class ay ako ang mas maganda.

"Paano anak ako ng Arabo," sagot ko naman. Alam na naman ni Dang ang istorya ko. Alam niyang magkapatid lamang kami sa ina. Subalit hindi iyon naging hadlang para hindi kami maging close. Tanging si Ate Neng ang kumukontra sa akin. Naisip ko mabuti ngang nag-asawa si Ate Neng at nabawasan ang alalahanin ko sa buhay. At least, kay Tatay na lamang ako nangingilag.

"Ano bang balak mong kunin sa college Ate?" tanong ni Dang para mawala sa isipan ko si Cris.

"Masscom o kaya’y nursing. Gusto ko ‘yung nagbo-brodkas sa telebisyon. Kung magiging nurse naman ako, punta ako ng Saudi. Malaki raw ang suweldo ng nurse roon."

"Sana, mag-stewardess ka na lang. Bagay sa iyo dahil sa height mo."

"Ayaw ko. Takot ako. Saka di ba ang mga stewardess daw nagiging kabit ng piloto."

"Oo nga, sa ganda mong iyan, tiyak liligawan ka ng piloto."

Nakarinig kami ng ingay sa ibaba. May nagbukas ng pinto. Si Inay pala.

"Marisol!" tawag nang makapasok.

"Po."

"Ikaw na ang magluto ng kakainin natin. Ang sama ng pakiramdam ko. Parang hindi ko na kaya ang katawan ko."

Noon lamang dumaing si Inay kahit na maghapon sa palengke, hindi siya dating dumaraing.

"Siguro napagod dahil sa pag-aalala kay Ate Neng," sabi ko kay Dang.

"Kanina kasi, nang manggaling ako sa school, naabutan ko si Ate Neng sa tindahan, humihingi ng pera. Ang laki na ng tiyan niya. Kakaawa ang itsura ni Ate Neng…"

"Kawawa naman," sabi ko. (Itutuloy)

AKO

ALAM

ATE

ATE MARISOL

ATE NENG

NAMAN

SI INAY

SIGURO

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with