^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-75 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

"SIGE saktan mo pa siya at lalabanan na kita!"

Ang mga sinabing iyon ni Inay ang nagpahupa sa galit ni Tatay. Hindi itinuloy ang balak pang pananakit sa akin. Umalis sa harapan ko at nagtungo sa ibaba. Narinig namin ang paglagabog ng pinto sa harap. Lumabas ito. Tigil na ang ulan noon.

Wala pa rin naman akong tigil sa pag-iyak.

"Sumusobra na siya! Akala siguro at hindi ako nagsasalita sa mga nakaraan ay maaaring gawin sa iyo ang lahat nang magustuhan niya!"

Bahagya akong tumigil sa pag-iyak. Nararamdaman ko pa ang sakit ng sampal sa aking pisngi. Ganoon man, kahit ako na ang nasaktan ay hindi maitago ang aking takot. Kahit na nagpakita ng galit si Inay, ang takot sa isipan ko ay naroon pa rin. Nakaukit na yata roon.

"Tahan na. Magpalit ka ng damit. Basa ‘yang uniporme mo," sabi ni Inay at masuyong dinampian ng palad ang aking pisnging nanginginit pa sa pagkakasampal.

"Bakit ba ganyan si Tatay, Inay?" tanong ni Dang na noon lamang nakita ang pagiging malupit ni Tatay. Palibhasa’y bata pa si Dang at hindi pa abot ng isip ang mga nangyayari sa ipinagkaganoon ni Tatay. Kahit na galit si Inay, hindi rin naman nito hinayaang masira ang pagtingin ni Dang dito. Ipinaliwanag at idenepensa pa rin upang huwag magtanim ng galit si Dang.

"Mainit kasi ang ulo kapag naaalaala ang ginawa ni Ate Neng mo na pag-aasawa ng maaga. Natatakot na mangyari uli iyon."

"Pero hindi naman gagawin iyon ni Ate Marisol, di ba?"

"Natatakot nga siya."

"Hindi naman boyfriend ni Ate Marisol si Cris. Di ba Ate Marisol?"

Tumango ako.

"Ba’t ba sa kanya ka nakisukob, Marisol?"

Ipinaliwanag ko kay Inay ang mga pangyayari. Hindi ko kagustuhan ang mga nangyari.

"Sa sunod, iwasan mo nang makisukob. Para walang problema. Mahirap nang pakisamahan ang tatay mo. Sundin na lang para walang gulo."

"Pero Inay wala na siya sa lugar. Kahit wala akong kasalanan, sinaktan niya ako," muli akong umiyak pagkasabi niyon.

"Hindi na niya ‘yon mauulit. Lalabanan ko na talaga siya."

Dahil sa nangyari, nag-ingat na ako na makasabay pang muli si Cris. Pero kapag nasa palengke na tinutulungan ko si Inay kung Sabado at Linggo ay hindi ako makaiwas sa kanya. Pupuntahan ako sa puwesto kapag wala si Inay.

"Friend, papalit nga ng P500," sabay abot ng P500 sa akin.

Hindi naman ako makatanggi. Pagkatapos kong palitan ang P500 ay makikipagkuwentuhan na.

"Puwede ba kitang kunin kung partner sa JS prom?"

Tulala ako.

(Itutuloy)

AKO

ATE MARISOL

ATE NENG

INAY

IPINALIWANAG

KAHIT

NATATAKOT

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with