^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-69 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

KAHIT nakarating na ako sa bahay ay si Cris pa rin ang nasa isipan ko. Maging nang nagbabasa akong libro ay madalas na ang mukha niya ang nakikita ko.

"Hoy!"

Napapapitlag ako sa panggugulat ni Dang. Hindi ko namalayan na na nakapasok na pala ng aming kuwarto si Dang.

"Ang lalim ng iniisip mo. Siguro ‘yong lalaking guwapo sa palengke ang naiisip mo ano?"

"Hindi!"

"Huwag ka nang tumanggi."

"Ba’t ko naman iisipin ang lalaking ‘yon?"

"Me crush ka rin di ba?"

"Wala no? Gusto mo, palayasin ako rito ni Tatay."

Natahimik si Dang. Ang pagkaaalala sa mabigat na parusang nakalaan kapag nagpaligaw o makipagligawan ang nagpatahimik kay Dang. Kahit na pagkuwentuhan lamang ang tungkol sa crush ay isa nang malaking kasalanan. Ang pagkakaroon ng crush sa isang lalaki ay dapat sarilinin na lamang.

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro. Inalis ko sa isipan ang guwapong mukha ni Cris. Ang pinagtutuunan ko ng pansin ay ang aking pag-aaral upang kahit paano ay walang masabi sa akin si Tatay na nagpapaaral sa akin. Sabi nga ni Inay, ang nangyari kay Ate Neng ay hindi na dapat pang maulit. Nasaktan na silang labis ni Tatay at mas magiging masakit kung mangyayari muli iyon sa alinman sa aming dalawa ni Dang. Sa akin, siguro ay walang gaanong sakit dahil hindi naman ako tunay na anak ni Tatay pero kay Dang, kung mangyayari uli sa kanya ang nangyari kay Ate Neng, baka pumatay ng tao si Tatay.

Pero hindi ko yata maiiwasan si Cris sapagkat nang mga sumunod na araw ay nakita kong inaabangan ako sa labasan ng palengke at parang hiyang-hiya sa pagtatanong kung mayroon akong libro sa History.

"History book na ang author ay si Zaide, meron ka?"

Magiging bastos naman ako kung sabihing huwag niya akong kausapin at baka may makakita ay isumbong ako kay Tatay. Sinabi ko ang totoo na wala akong libro ni Zaide. Sa library ako nagtiyagang magbasa. Iyong mahahalaga ay isini-xerox ko na lang. Wala kasing pambili.

"Sorry ha?" sabi ko.

"Okey lang. Kala ko kasi meron kang History book."

Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. Hindi ko alam kung bakit tense na tense ako.

(Itutuloy)

AKO

ATE NENG

DANG

HUWAG

INALIS

TATAY

WALA

ZAIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with