Maria Soledad (Ika-54 na labas)
June 14, 2003 | 12:00am
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)
INAWAY ko si Ate Neng kinabukasan. Punumpuno na kasi ako sa kanya. Parang hindi ako kapatid kung ituring. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
"Ano ba ang ikinagagalit mo sa akin Ate Neng?" tanong kong nakataas ang boses. Parang puputok na ako sa pagkainis.
"Anong pinagsasasabi mo?" tanong din naman niya sa akin.
"Huwag ka nang magtanga-tangahan. Kung anu-ano ang sinumbong mo kay Tatay kahit hindi naman tototo."
"Huwag mo akong pagbintangan ha?"
"Talaga naman. Ikaw ang nagsumbong na kaya hindi ako makauwi ng maaga sa bahay ay dahil nakikipagkuwentuhan ako sa school."
"Sira ka pala. Hindi ako ang nagsumbong ano?"
"Ikaw! Sinungaling."
"Tarantada ka pala," lumapit at sinampal ako sa pisngi. Gumanti ako. Palibhasay mas matangkad pa ako sa kanya kaya nang hawakan ko sa balikat ay hindi nakakilos. Nang akma pa akong sasampalin ay nahawakan ko ang buhok at sinabunutan ko. Talagang punumpuno na ako.
Mabilis namang nakapanhik ng bahay si Dang. Narinig marahil ang kalabugan namin sa itaas. Inawat kami. Palibhasay maliit pa hindi kami mapaghiwalay. Nag-iiyak na si Dang dahil hindi kami maawat. Wala si Inay noon sapagkat namamalengke.
"Ate Neng, Ate Marisol, tumigil kayo," sigaw ni Dang at umiyak nang umiyak.
"Isusumbong ko kayo kay Inay," sabi nang hindi kami maawat.
Saka pa lamang kami naghiwalay. Pero kahit naghiwalay na, matalim pa rin ang tingin sa akin ni Ate Neng. Parang may binabalak pang gawin.
"Huwag na kayong mag-away," sabi ni Dang na pinapahid ang luha.
"Siya kasi kung anu-ano ang sinusumbong kay Tatay," sabi ko.
"Isusumbong pa lalo kita ngayon. Humanda ka mamaya."
Ako ay hindi na natatakot. Manhid na ako kung ano man ang gawin sa akin ni Tatay. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended