Maria Soledad (Ika-38 labas)
May 29, 2003 | 12:00am
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)
KINABUKASANG pagmulat ng mga mata ni Inay ay nasa isang maliit na kuwarto na siya na pangdalawahan ang laman. Ang tabing lamang ay puting kurtina. Sa pakiramdam niya wala pang pasyente sa kabila. Nakita niyang nakaupo sa isang plastik na silya si Tatay at malalim na nag-iisip. Sa tingin niya ay inaantok. Napuyat din dahil sa pagbabantay sa kanya.
"Jun," tawag niya kay Tatay. Kumilos si Tatay. Lumapit sa kanya.
"Ano?"
"Nasaan si Neng?"
"Iniuwi ko muna sa bahay."
"Bat mo iniuwi? Sinong kasama roon?"
"Ipinagbilin ko sa kapitbahay."
"Sana dito na lang."
"Bawal dito."
Dumating ang nurse. Tinanong si Inay kung ano ang pakiramdam. Okey lang daw sabi ni Inay.
"Kumusta ang baby ko?" tanong ni Inay.
"Okey po siya. Mamaya pong alas-nuebe, e maaari nang silipin sa nursery ang baby," sabi at humarap ang nurse kay Tatay. "Isulat nyo lang mister sa kapirasong papel ang inyong apelyido at ipakita sa nursery para maipakita sa inyo ang baby."
Hindi nagsalita si Tatay. Parang walang narinig. Umalis na ang nurse.
Nang mag-alas-nuwebe ay hindi umalis si Tatay sa kuwartong kinaroroonan ni Inay. Nanatiling nakaupo sa silya at nagbabasa ng diyaryo. Kapag natapos magbasa ng diyaryo ay lalabas at pagkaraan ng ilang minuto ay babalik. Sa hula ni Inay ay nanigarilyo.
Kinabukasan ay isang babaing attendant ang lumapit at may iniabot na papel kay Tatay.
"Paki-filled up lang po. Kailangan po iyan para sa birth certificate ng anak nyo. Pagkatapos mapirmahan ay pakidala sa ground floor." Lumabas na ang attendant.
Bagsak na naman ang mukha ni Tatay. Iyon ang kinatatakutan na nito noon pa. Napansin ni Inay na hindi mapakali si Tatay. Hindi malaman kung ano ang gagawin sa hawak na papel. Tumayo at umupo ito. Ilang minuto ang nakalipas ay saka tinanong si Inay.
"Anong ipapangalan sa anak mo?"
Hindi agad nakasagot si Inay. Karaniwan, ang mga ama ang pumipili ng pangalan. Tulad ng pangalan ni Ate Neng na Maria Monina ang pangalan.
"Anong pangalan na ilalagay dito sa form?" mataas na ang boses ni Tatay.
"Isulat mo Maria Soledad."
"Tang-ina pati apelyido ko, mabababoy na rin ngayon..." (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended