^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-35 Labas)

- Ronnie M. Halos -
NATATAKOT nga sa mga mangyayari sa hinaharap si Tatay. Nasa isang mahirap na sitwason. Kaya kapag sinasalakay ng pagkainis ay kung anu-ano ang sinasabing paraan kagaya ng pagpapa-abort. Sana raw ay tinunaw na ang nasa tiyan ni Inay habang nasa Saudi pa.

"Ako ang lalaki at ako ang magdadala ng kahihiyan kapag nalantad iyan. Alam mo ba kung gaano kahirap sa lalaki ‘yan?" sabi pa.

"Kaya nga bakit ayaw mo pa akong payagang umalis," sagot naman ni Inay.

"Hindi naman ako sa iyo galit kundi diyan sa dinadala mo. Kung wala na ba akong pagmamahal sa iyo, hindi na sana kita sinalubong sa airport at pinabayaan na lamang."

Sa mga sinabing iyon ni Tatay ay bahagyang nagluwag ang kalooban ni Inay. At siya naman ang tila sinaksak ng matutulis na pako sa ulo – nakonsiyensiya sa nangyaring pagpapabuntis sa Arabong si Mohammed Al-Bishi. Mahal siya ni Tatay kaya siya ayaw payagang umalis.

Niyakap ni Tatay si Inay. Ganoon man, nasa isip ni Inay ang maaari pang mangyari kapag isinilang na ang nasa sinapupunan.

Natahimik si Tatay pagkaraan niyon. Hanggang sa dumating ang kabuwanan ni Inay. Masakit man daw sa kalooban ni Tatay, sinasamahan naman siya pagpapa-check up. Kapag nasa klinika at tsini-chekup si Inay ay walang kakibu-kibo si Tatay sa sulok.

Hanggang sa dumating ang panganganak ni Inay. Isinugod ni Tatay sa maternity hospital. Gabi noon. Malakas ang ulan. (Itutuloy)

ALAM

ARABONG

GANOON

HANGGANG

INAY

ISINUGOD

ITUTULOY

KAYA

MOHAMMED AL-BISHI

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with