^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-34 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

MATAPOS mailagay ang mga damit sa bag ay kinuha ni Inay ang itinatagong pera na ibinigay sa kanya ng among si Mohammed Al-Bishi. Iyon ang perang kabayaran at multa sa ayon sa opisyal ng detention center sa Riyadh. Nagkakahalaga ang pera ng limang libong riyals. Ang perang iyon ay hindi naman ikinaila ni Inay kay Tatay subalit ayaw tanggapin ni Tatay sapagkat humahapdi ang kalooban. Bayad daw sa pambubuntis kay Inay. Ipapalit ni Inay ang riyals at bahala na ang susunod pa. Pupunta siya sa probinsiya sa kanyang kapatid.

Lumabas na siya sa kuwarto at bumaba bitbit ang bag. Mabigat ang bag at sa tulad niyang buntis, mahirap nang dalhin, pero kakayanin niya. Mabigat sa loob niya pero wala siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat.

Nang bumaba siya sa hagdan ay nakita niya si Tatay na nakaupo sa sopa sa salas. Walang ginagawa. Si Ate Neng ay hindi niya makita. Nasa labas marahil at naglalaro.

Humakbang siya papalabas na hindi tumitingin kay Tatay.

Subalit hindi niya akalain na aagawin ni Tatay ang dala niyang bag. Mahigpit ang pagkakawahak kaya nabitiwan niya.

"Bakit ba?"

"Huwag kang umalis!"

"Pinaaalis mo ako di ba?"

"Huwag kang aalis!"

Ang tinig ni Tatay ay mataas na. Ibinagsak ang bag sa sopa.

"Hayaan mo na ako para matahimik na ‘yang kalooban mo."

"Basta huwag kang aalis!"

Naupo si Inay sa sopa. Umiyak.

"Hirap na hirap na ako."

"E, ako? Mas lalo nang mahirap ang kalagayan ko."

"Hindi ko naman ginusto ito. Ni-rape ako."

Umiyak pa nang umiyak si Inay. Nayugyog ang balikat dahil sa pag-iyak. Ibinuhos na niya ang lahat. Pinanindigan na niya na talagang ginahasa siya sa Saudi at hindi niya kagustuhan ang nangyari.

Sa pagkabigla ni Inay ay tumabi sa kanya si Tatay at hinimas ang kanyang balikat.

"Mahirap sa loob ko. Paano ko haharapin ‘yang ipanganganak mo. Apelyido ko pa ang dadalhin niya. Kapag nanganak ka sa ospital siguro ako ang pipirma sa birth certificate niya..." (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

HUWAG

INAY

MABIGAT

MOHAMMED AL-BISHI

NIYA

SI ATE NENG

TATAY

UMIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with