^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-31labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

GAYONG kararating lamang ay nakihalo na raw agad si Ate Neng sa mga marurusing na bata sa kalye sa harap ng uupahan naming apartment. Nakikipaglaro na kaagad. Tinawag ni Inay si Ate Neng. Matigas ang ulo ni Ate Neng na para bang hindi pinansin si Inay. Epekto marahil nang may dalawang taong pagkawala. Hindi siya kilala at hindi pinaniniwalaan.

"Lumapit ka rito!" tumaas daw ang boses ni Inay. Subalit sa kabila niyon ay hindi pa rin kumikilos si Ate Neng at patuloy sa pakikipaglaro.

Lumapit si Inay at hinila si Ate Neng sa kamay.

"Pumasok ka rito!" sa ginawa ni Inay ay napatingin sa kanya ang mga batang kalaro ni Ate Neng. Ang iba ay tumutulo ang sipon.

"Bakit ba?" sagot daw ni Ate Neng. Lumalaban na sa kanya.

Kinurot ni Inay sa tagiliran. Pumiksi. Hinila na niyang tuluyan sa loob ng bahay.

"Ikaw matigas ang ulo mo ha?"

Sukat doon ay umiyak si Ate Neng at tinawag si Tatay na kasalukuyang nasa itaas ng bahay at inaayos ang mga gamit. Maliksing bumaba raw si Tatay.

"Ano ’yon?"

"Kinurot ako rito. Masakit!"

Sukat doon ay tumaas ang boses ni Tatay. Para bang nakagawa si Inay ng malaking kasalanan gayong dinidisiplina lamang si Ate Neng.

"Kararating mo lang ay pinagmamalupitan mo na iyan. Kaya malayo ang loob sa iyo. Baka naman ang mahalin mo ay ’yang nasa tiyan mo. Kawawa naman si Neng. Kawawang-kawawa!"

Hindi nakatiis si Inay at nagsalita.

"Dinidisiplina ko lang. Nakikipaglaro sa mga bata sa labas e bago lang tayo rito."

"Hayaan mo. Kaysa naman lumaking kimi yan. Ano bang masama na makipaglaro?"

"Kung mahawahan yan ng sipon at galis."

"Masyado kang madelikado. Porke nanggaling ka lang sa Saudi naging ganyan ka na. Putang ina!"

Tumigil si Inay. Alam niya, sumbat na naman ang kasunod niyon.

Masama ang epekto ng pagkakawala niya. Tumigas ang ulo ni Ate Neng. Hindi ina ang turing sa kanya. (Itutuloy)

vuukle comment

ANO

ATE

ATE NENG

INAY

KINUROT

LUMAPIT

NAKIKIPAGLARO

NENG

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with