^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-19 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

"GUSTOH koh anak di bah?"

Hindi agad nakasagot si Inay. Hindi niya makuha kaagad ang kahulugan ng sinabi ni Mohammed. Sa halip nga na mamroblema ito ay lalo pa yatang nasiyahan sa sinabi niyang pagbubuntis niya.

"Hal tafhamani, Lindah?"


Tanong pa muli nito sa kanya. Kung naintindihan daw niya ang ibig niyang sabihin kung bakit sinabing mafi muskila. Wala raw dapat ikaproblema.

"La afhamok,"
sagot ni Inay. "I don’t understand Mohammed."

Sa paputol-putol na Filipino na may kahalong Arabic ay sinabi ni Mohammed kung bakit hindi siya dapat mag-alala kung sakali man at buntis siya. Okey lang na mabuntis. Kapag naipanganak niya iyon maaari namang iwan sa Saudi. Tamang-tama sapagkat wala nga silang anak ni Mariam. Wala na silang problema. Sabi pa mas okey kung magiging babae ang anak.

Hindi makapaniwala si Inay sa mga narinig. Hindi yata niya kaya na maiwan ang anak sa Saudi gaya ng plano ni Mohammed. Ano ‘yon mag-iiwan ng tuta o kuting sa disyerto?

"La!"
sabi umano ni Inay na bagamat hindi pa niya tiyak kung mangyayari nga ang sinabi ay tumanggi na. Hindi siya payag kahit na anong mangyari.

"Ayoko ng balak mo Mohammed?"

"Maza taqulin?"
(Ano bang pinagsasabi mo?)

Naghisterya na raw si Inay sapagkat naghalo na ang pagkatakot sa nagawang kasalanan. Takot kay Mariam, kay Tatay at takot sa balak ni Mohammed na kunin ang magiging anak at iiwan na lamang sa Saudi. Kung paano ang gagawin ni Mohammed para hindi mahalatang siya ang ama ng dinadala ni Inay ay hindi niya alam. Siguro’y palalabasing may nakabuntis na iba para makaligtas sa galit ng asawa.

Pero hindi na hinintay ni Inay ang pagkakataong iyon. Gumawa siya ng paraan kung paano makaaalis sa bahay na iyon. Naisip niyang tumakas. Ginawa niya iyon isang gabi nang may kasayahang nangyayari sa bahay nina Mohammed. Hindi na siya nagdala ng damit. Tanging ang naipong pera at ilang mahahalagang bagay ang dinala niya.

Habang nag-iistima ng mga bisita ang mag-asawa ay tumakas si Inay. Naglakad siya nang naglakad hanggang sa isang taxi (limousine) ang parahin niya. Isang Pakistaning drayber ang nasakyan niya. Kahit may pagkatakot, dahil ibang lahi ang driver, sumakay si Inay para makalayo na sa bahay. (Itutuloy)

ANO

INAY

ISANG PAKISTANING

KUNG

MARIAM

MOHAMMED

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with