^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-9 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat)

GENTLEMAN at may malasakit sa kasambahay si Mohammed. Ang kanyang paniniwala na "masama" "abusado" at "rapist" ang mga Arabo ay agad na nalusaw sa maikling panahon ng paninilbihan ni Inay sa mag-asawa. Ganoong mga amo ang kanyang hinahanap at sa pakiwari ni Inay, baka nag-iisa siya o iilan sila sa sinuwerteng nakakita ng among mabait sa Saudi Arabia.

Isa sa mga pinagbasehan ni Inay ay ang nangyaring kapalaran ng kanyang kaibigan na nagyaya sa kanya para maging DH. Wala pang anim na buwan ay sumulat sa kanya ang kaibigan. Nagtaka raw si Inay sapagkat ang pinagmulan ng sobre ay sa Maynila at hindi sa Taif, Saudi Arabia na alam niyang pinagdalhan sa kaibigan. Sabik niyang binuksan ang sulat.

Nalaman niyang tumakas sa kanyang amo ang kaibigan. Ang dahilan: pinagtangkaan siyang gahasain. Nahubaran na umano ito ng damit at kung hindi nakatakas ay malamang na nagahasa na. Nagtatakbo sa kalsada at mabuti na lamang nakita ng dalawang nagpapatrulyang pulis at dinala sa Philippine Embassy. Ang embassy ang nagturn-over sa Overseas Workers Welfare Adminisration.

"Mag-ingat ka Linda sa kinaroroonan mo ngayon sapagkat ang mga Arabo ay walanghiya. Mga rapist sila. Ang tingin nila sa mga Pinay ay kantu––. Hindi na ako babalik diyan. Kung ako ikaw mag-isip ka habang maaga. Siguro ay baka rapist din ‘yang amo mo."


Tiniklop daw ni Inay ang sulat ng kaibigan, isinilid sa sobre at saka itinago. Napailing-iling daw siya sa sinulat tungkol sa Arabo. Nagkakamali ang kanyang kaibigan sapagkat kabaligtaran ang nangyayari sa kanya sa piling nina Mohammed at Mariam. Masuwerte siya sapagkat ang napuntahang mga amo ay tao at hindi hayop. Minalas ang kaibigan niya sapagkat hayok na hayok ang napuntahan.

Paano hindi niya sasabihiing masuwerte, ang mag-asawa ang nagtataboy pa sa kanya para lumabas at maghanap ng kaibigan. Kung Biyernes ay sinasabi sa kanya ni Mohammed na mag-take a rest.

"Puntah ka sa Batha. Marami roon Kabayan."

Ang Batha na sinabi ni Mohammed ay lugar na pasyalan at pamilihan ng mga Pinoy.

"Hindi ko alam papunta roon Mohammed,"

"Mafi muskila. Ikaw dalah ko roon."

(Itutuloy)

ANG BATHA

ARABO

INAY

KAIBIGAN

KUNG BIYERNES

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISRATION

PHILIPPINE EMBASSY

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with