Koronang tinik (Katapusang Labas)
April 21, 2003 | 12:00am
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong)
NANG muling sumulat si Ninang Violy sa akin ay wala na siyang binanggit tungkol sa mga nangyayari sa amin. Pawang pangungumusta ang kanyang paksa. Kailan daw ba ako uuwi? Sana raw kapag umuwi ako sa Pilipinas, dalawin ko naman siya at ang libingan ni Tatay. Wala na naman daw problema.
Hindi ako nangako pero pipilitin ko.
Anim na buwan pa ang nakalipas at ibinalita sa akin ni Ate na patungo na sila ng US. Doon na maninirahan. Kasama ang kanyang boss. Mas mabuti raw doon at mas maganda ang buhay. Mas may kalayaan silang dalawa. Malayo sa gulo. Buntis daw siya sabi ni Ate.
Ano ang aking magagawa? Wala akong karapatan para pagsabihan ang aking kapatid. Alam niya ang kanyang ginagawa.
Sabay kami ni Lucita nang umuwi sa Pinas. Napilitan din akong dumalaw sa aming bayan dahil sa pamimilit ni Lucita. Tuwang-tuwa si Ninang Violy. Dinalaw ko ang libingan ni Itay. Malinis iyon at may sariwang bulaklak. Si Ninang ang matiyagang naglilinis at naglalagay ng bulaklak.
Ang aming dating bahay? Wala na. Ang nakatayo roon ay isang malaking bahay na pag-aari na umano ng isang japayuki. Hindi ko maiwasang hindi sulyapan ang dating kinatitirikan ng aming bahay. Subalit wala na akong madamang kirot at maisip na bangungot. Masaya na ang aking kalooban. Sa huling pag-uusap namin ni Ninang sinabi niyang wala na siyang balita kay Inay. Sabi pa ni Ninang, "Nagpakalayu-layo na siguro yon."
(Abangan bukas: Kasaysayan ni Soledad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended