Koronang tinik (Ika-107 labas)
April 17, 2003 | 12:00am
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)
BUMUNTONG-HININGA ako nang mabasa ang bahagi ng sulat ni Ate na nagsasabing dalawa na ang anak nina Inay at Rocky. Kung lalaki o babae ang anak ay hindi na sinabi. Alam ko masakit kay Ate iyon. Walang kasing sakit.
Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa. "Sabi pa ni Tita Violy, tila hindi na tinatablan ng hiya ang dalawa. Balewala na sa kanila kung anuman ang sabihin ng tao. Makapal na talaga ang mukha!"
Tumigil muli ako sa pagbabasa at inimadyin ko ang mga sinabi ni Ate sa sulat. Wala nang hiya ang aming ina! Tuluyan nang naglublob sa putik! Hindi na pala bumangon. Hindi lahat ng ina ay may malasakit sa kanyang mga anak. Tama nga ang aking nabasa, ang ina ay mahusay bumuo ng tahanan pero maaari rin siyang magwasak.
Nakarinig ako ng ingay sa labas at nakita ko si Lucita, kasama ko at "siyota". Tumingin siya sa akin at sa sulat na aking binabasa. Inalis ko ang pagkakatingin kay Lucita at ipinagpatuloy ko ang pagbabasa. "Wala na pala talaga tayong uuwian sa probinsiya. Minsan binabalak kong kasuhan silang dalawa. Pero para ano pa? Kaysa gumastos ako, hayaan na lamang. Tutal, natanggap ko na naman ang lahat. Matigas na ako. Hindi na ako umiiyak. Nakaganti na nga ako sa kanila "
Alam ko ang sinasabi ni Ateng nakaganti na. Pumatol na siya sa ibang lalaki. At hindi basta lalaki ang pinatulan kundi "bigtime" na masasagip siya sa kahirapan. Gumanti si Ate pero ginamit ang katalinuhan. Hindi aaminin ni Ate ang lahat-lahat pero sa himig ng kanyang pananalita, hindi siya nagsisisi sa kinasadlakan.
"Hindi ko na inaalala ang mga nangyaring bangungot sa ating buhay. Hinahayaan ko na lamang lumipas ang panahon. Siguro ganito ang nakatakdang kapalaran ko o ng ating pamilya.
"Sumulat ka naman sa akin. Alam ko, masaya ka sa kinaroroonan mo. Siguroy ngayon mo naiisip ang mga sinabi ko sa iyo noon kung bakit pinilit kitang mag-abroad. Hindi lamang para kumita nang malaking pera kundi para malimutan na rin ang mga masamang nangyari sa ating buhay."(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am