Koronang tinik (Ika-95 labas)
April 5, 2003 | 12:00am
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)
HINDI ako mabubuhay kung wala si Chona. Kung makikipaghiwalay siya sa akin, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin.
Nagmakaawa ako sa kanya. Akala ko, sa pelikula lamang o sa mga kuwento sa komiks nangyayari ang ganoon. Totoo pala. Kapag nasa katindihan ang takot na huwag humiwalay ang "mahal" gagawin ang lahat para hindi lumayo.
"Sorry na nabigla lamang ako. Hindi na mauulit."
"Umalis ka nga diyan!"
Hindi ako umalis sa harapan niya. Lumuhod na ako. Nagmakaawa pa na huwag makipaghiwalay sa akin. Tinanggap ko ang mga sinabing masasakit. Ganoon siguro talaga ang kapalaran ko, kahit na sigawan at murahin ay matatanggap huwag lamang layuan ng "minamahal".
Matagal ako sa pagkakaluhod sa harap niya. Umiyak na ako. Para bang bata na nagmamakaawa na huwag iiwan. Hanggang sa lumambot ang puso ni Chona. Nadurog sa pagmamakaawa ko.
"Kapag minura mo pa ako uli, wala na tayong pag-uusapan pa. Hahanap na lang ako ng iba. Marami diyan!"
Pinahid ko ang aking luha at tumayo. Hinawakan ang baywang ni Chona. Niyaya kong umupo. Pumayag. Patuloy ito sa pagsasalita. Nasa tinig pa rin ang pagbabanta.
"Kahit na ba palamon mo ako, wala kang karaparan na murahin ako. Akala mo sapat na sapat ang ibinibigay mo sa akin."
"Hindi na mauulit," sabi kong marahan at may pagpapakumbaba. Iniwasan kong sumiklab ang galit. Inakbayan ko para ipakitang nagsisisi na ako sa mga sinabi. Sinuyong mabuti. Pinangakuan ng kung anu-ano kahit na wala naman akong tiyak na ibibili. Nangako kahit na wala nang trabaho.
"Bagay sayo yung damit na nakita ko sa SM " sabi ko at inilapat ko ang pisngi sa pisngi niya. "Gusto mo puntahan natin?"
"May pera ka ba?" ang tinig ni Chona ay mababa na at halatang natutuwa sa tanong ko tungkol sa damit. Ang damit ay isa sa kanyang "kahinaan". Mahilig kasi siya sa damit.
"Siyempre meron."
"Wala ka nang trabaho di ba, saan ka naman kukuha ng pera?"
"Sa ate ko. Maraming pera yon."
"Uutangan mo?"
"Hihingi."
"Lakihan mo na ang hingi. Para maibili mo rin ako ng bracelet."
Napatango ako. Hinalikan ako ni Chona sa labi. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended