Koronang tinik (Ika-82 labas)
March 23, 2003 | 12:00am
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)
HINDI naman gaanong madilim sa loob ng kuwarto ni Ate sapagkat bahagyang nakaawang iyon at ang talsik ng liwanag mula sa reception area ay doon tumatapon. Ang liwanag na iyon ang nagpakita sa dalawang nilikhang magkapatong sa sofa bed. Abalang-abala sa pagsi-sex. Parang mauubusan. Si Ate! Siya ang nasa ilalim. Nakadagan ang isang mataas na lalaki. Nasulyapan ko ang mga hinubad nilang damit na nasa paanan ng sofa bed. Ang ungol ay nagpahiwatig nang hindi maipaliwanag na kasiyahan sa pagsasalong iyon.
Huli na para maisip kong huwag gumawa ng ingay. Nahawakan ko ang door knob at lumikha iyon ng ingay. Sapat para magulantang ang dalawang nagsasalo sa sofa.
"May tao!" kay Ate ang boses. Hindi maipagkakaila.
Mabilis akong umalis. Nagtatakbo pababa sa hagdan. Hindi ko na naisip pang gamitin ang elevator. Nang nasa ground floor na saka lamang ako nakaramdam ng pagod. Abu't abot ang aking hingal. Hindi na ako pinansin ng sekyu na nasa counter.
Pasado alas nuwebe na. Habang naglalakad patungo sa sakayan ng bus sa Buendia ay ang tagpo sa opisina ni Ate ang aking nakikita. Walang ipinagkaiba sa tagpo rin namang nakita ko sa aming bahay sa probinsiya. Ganoong-ganoon. Si Ate at ang lalaking iyon na sa palagay ko'y may katungkulan sa kompanya. Si Inay at si Rocky. Malinaw na malinaw ang lahat. Nagsasalo sa isang kakaibang pagkain. Nagrerebelde na kaya si Ate at pumatol na sa lalaking iyon. Pero bakit sa opisina pa. Maaari namang mag-motel. Hindi ko alam kung kaaawaan o kaiinisan si Ate. Hindi ko akalain na makikita siya sa ganoong kahalay na ayos.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa sakayan ng bus patungong Quiapo. Isang bus ang nakita kong paparating.
Subalit bago nakarating ang bus sa aking kinatatayuan, lumakad na muli ako at tumawid sa kalsadang aking pinanggalingan. Paano ako makauuwi gayong wala akong pamasahe?
Ipinasya kong pumunta sa condo ni Ate. Hihintayin ko na lamang siya roon. Hindi naman niya alam na nabisto ko na ang kanyang sekreto. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended