Koronang tinik (Ika-70 labas)
March 11, 2003 | 12:00am
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)
WALANG kakibu-kibo si Inay makaraang mabulgar ang kanilang "lihim". Lalo lamang nagkaroon ng matinding pagkumpirma na totoo ang aking ibinulgar nang mabilis na umalis si Rocky at lumabas ng gate. Napuno ng bulungan ang paligid. Lalo nang hindi malaman ni Inay ang kanyang gagawin. Parang nasukol na daga na hindi malaman kung saan susuling. Hiyang-hiya. Wala na akong pakialam kung anuman ang maging kahinatnan niya. Wala na akong natitirang pagtingin sa kanya. Sa ginawa niya kay Tatay, nawala na lahat ang paggalang ko sa kanya.
Hindi nakayanan ni Ate ang tagpong iyon at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko sinundan. Ayaw kong gambalain kung anuman ang kanyang naiisip sa mga sandaling iyon. Naalala ko ang sinabi ni Tatay noon na natatakot siya kapag malaman ni Ate ang tungkol kay Inay at Rocky. Mahina raw si Ate. Madaling matakot.
Hindi ko inaasahan ang paglapit na aking ninang. Si Ninang Violy ay kapitbahay namin. Matagal na siyang kaibigan ng aming pamilya. At mula nang maging inaanak niya ako sa binyag ay napalapit na sa amin. Hindi ko akalain na marami na rin palang nalalaman si Ninang Violy sa relasyon ni Inay at Rocky.
"Kaya pala madalas ko silang makitang magkasama. Hindi lamang ako makapagbigay ng konklusyon kasi alam ko namang masayahin at maboka ang nanay mo."
Ang pagsasalita ni Ninang ay naninimbang pa. Parang nahihiya pa sa akin na ilahad ang kanyang nalalaman.
"Saan n'yo sila nakikita Ninang?"
"Madalas ay nakikita kong nasa opisina ng DPWH si Mare. Naroon kasi ako sa DPWH dahil ako nagmi-maintain ng kantina roon. Mga dakong alas-diyes ay naroon siya."
Tama nga. Hindi nga ba't ang dati kong siyotang si Jean ay nakita rin si Inay sa opisina ni Rocky. Matagal nang nagpapakalunod sa kataksilan ang dalawa.
"Minsan nakita ko silang nakasakay sa kotse. Hindi ko alam kung kaninong kotse. Patungo sa direksiyong ng drive inn motel sa may beach."
Ang mga putang ina! Ang galit ay nagsisimula na namang mabuhay sa aking dibdib.
"At ang nakapagtataka ay madalas umuwi si Rocky nang alanganing oras sa bahay n'yo. Kung minsan alas-diyes ng umaga o kaya'y alas-dos ng hapon. Nakikita ko sila Gina."
"Ninang, matagal na nilang ginagawa 'yan," kasunod niyon ay ang pag-iyak ko pa. Hindi maubos ang aking luha. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am