Koronang tinik (Ika-43 labas)
February 12, 2003 | 12:00am
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)
"BAKIT walang saysay?" nasa mukha ni Ate ang pagkagulat sa aking mga sinabi kung bakit hindi na dapat ipaalam kina Tatay at Inay ang balak kong pag-aaral sa Maynila.
"Wala."
"Alam mo Gina, marami kang "milagro" sa katawan. Hindi kita maintindihan," ang boses ni Ate ay bahagyang tumaas. Nahahalata na ang mga pagbabago ko. Una nga naman, naging tomboy ako. Ikalawa, naging sutil na sa magulang.
"Ibig kong sabihin Ate, wala ring saysay kung ipaalam ko kina Inay at Tatay. Pareho naman silang walang pakialam sa akin."
"Bahala ka na nga sa buhay mo," sabi at iniwan na ako.
Nang lumuwas nga ako ng Maynila para mag-aral ay wala nang pakialam sa akin si Inay. Kay Tatay lamang ako ganap na nakapagpaalam. Sabi ko, si Ate na ang bahala sa akin sa Maynila. Sinabi ko pa na kung magiging pabigat ako kay Ate, maaari naman akong mag-working student. Sinabi kong BSE ang kukunin kong kurso, major in Physical Education.
Wala pa ring imik si Tatay. Walang ibang nasabi kundi mag-ingat na lamang ako. Binigyan niya ako ng pera. Idagdag ko raw sa itu-tuition ko. Awang-awa ako kay Tatay. Kung ako lamang masusunod, gusto koy kasama siyang palagi. Mula nang madiskubre ko ang "kakatihan" ni Inay parang hindi ko siya magagawang iwan. Ipinangako ko naman na uuwi ako para makita siya.
Hindi ko na sinulyapan pa ang aking ina. Ayaw ko nang makita ang mukha niya.
Kami pa rin ni Jean ang "magkasama" maski nasa Maynila na. Kumuha ng Masscom si Jean. Halos magkalapit lamang ang unibersidad na aming pinapasukan. Malapit din ang boarding house ko sa kanyang tinutuluyan. Mas lalo nang na-develop ang pagka-tomboy ko nang may makaklase akong mga tomboy din. Ang isa ay "nagtatago" pa pero buking na sa kilos. Sa isip ko, lalaking-lalaki na ako.
Naging paborito naming tagpuan ni Jean ang mga sinehan at pizza parlor sa Recto Avenue. Madalas kaming mag-date. Kung anu-ano nang eksperimento ang ginawa ko sa pagkababae ni Jean na payag na payag naman sa mga ginagawa ko. Gusto niya at gusto ko rin. Ibang klase si Jean at habang nagtatagal ang aming pagsasama ay natutuhan ko nang mahalin ng todo. Hindi ko yata makakaya na mawala siya sa akin. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended