Koronang tinik (Ika-38 labas)
February 7, 2003 | 12:00am
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)
MAY narinig kaming yabag na papalapit sa pinto. Napaigtad si Inay. Ako ay kalmado lamang. Naidalangin kong sana ay si Tatay na iyon para malantad na ang kataksilang nangyayari sa aming bahay. Tumigil ang yabag nang tumapat sa pinto. Alam kong hindi humihinga si Inay. Narinig namin ang ingit ng pinto nang itulak. Sumilip sa pinto ang nagtulak. Si Rocky! Ang walanghiya at may mukha pang pakita.
"Ang walanghiya mong manugang. Isusumbong ko kayo kay Ate!"
"Tumigil kaaa!" ang boses ni Inay ay impit na para bang pinipigil na huwag lumabas sa kuwarto.
"Gusto nyong isigaw ko rin ngayon ang kalaswaan nyo para marinig na ni Tatay at nang mga kapitbahay natin? Gusto mong isigaw ko ang pagtutuhugan nyo?" naghisterikal na ako. Patay kung patay na!. Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit wala na yata talagang pakialam si Tatay. Hindi ko alam kung talagang manhid na siya at hindi na nalalaman ang nangyayari sa aming bahay. Bingi na yata! Ako ngayon ang naiipit at nagdadala ng bigat dahil ako ang nakakita. Hindi ko alam kung hinahayaan na niya ang ganoong kataksilan.
Nang akma pa akong sisigaw ay biglang iniurong ni Rocky ang ulo sa pagkakasilip sa pinto. Bahagyang umingit ang pinto ng isara.
Hindi na rin nagtagal si Inay sa aking kuwarto. Siguroy para maiwasan na ang susunod pang kumprontasyon.
Kinabukasan ay mas matindi ang kumprontasyon namin. Hinintay lamang ni Inay na umalis si Tatay at hinarap na ako. Bagamat hindi inaamin ang "relasyon" nila ni Rocky halata kong iyon ang tinutungo niya.
Lumalabas na si Tatay pa ang sinisisi niya. Inutil daw. Wala nang silbi. Gusto kong sampalin ang sarili kong ina. Pagkatapos nang matagal na pagsasama, saka niya sasabihin iyon. Gusto kong isipin na nasa dugo niya ang pangangaliwa. Pati anak ay kinatalo! (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended