Koronang tinik (Ika-30 labas)
January 30, 2003 | 12:00am
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)
AYAW kong umuwi. Tiyak kong hindi pa tapos sa kanilang ginagawang kahalayan sina Inay at Rocky. Nagpapakasawa pa. Naalala ko si Tatay at si Ate. Gusto ko na namang bumunghalit ng iyak.
"Gusto mo, sa library ka muna. Magpahinga ka muna roon," sabing muli ni Mrs. Cruz.
Pumayag ako. Nang lumabas ako ay nakatingin sa akin ang buong klase. Nasa kanilang mga mukha ang labis na pagtataka sa bigla kong pagbunghalit ng iyak kanina.
Uuwi ako sa bahay kapag naroon na lamang si Tatay. Hindi ako makatatagal kapag kaming tatlo lamang nina Inay at Rocky ang naroon. Masikip na ang aming mundo.
Halos magkasunod kaming dumating ni Tatay sa bahay ng gabing iyon dakong alas-sais. Nauna lang ako ng ilang minuto. Hindi ako tumitingin kay Inay nang makita ito sa salas. Hindi ko makita si Rocky. Baka nasa trabaho pa. Pumasok marahil dakong tanghali ang walanghiya. Nagpakaligaya muna. Tinuhog muna si Inay.
Palampas na ako kay Inay nang bigla itong magsalita. "Bat ngayon ka lang?"
Hindi ako umimik. Deretso ako sa kuwarto. Sumunod sa akin si Inay.
"Bingi ka ba? Bat ngayon ka lang?"
Hindi ako tumitingin. Parang wala akong nakita. Lumapit at inulit ang tanong.
"Bat ngayon ka lang?"
Sumagot ako subalit walang damdamin. "Galing ako sa classmate ko."
"Anong ginawa mo at inabot ka ng alas-sais?"
"Project!" sagot ko.
Magtatanong pa sana subalit narinig namin ang pagdating ni Tatay. Iniwan ako ni Inay. Naramdaman ko ang pagpasok ni Tatay sa kitchen. Titingnan ang ulam at siguroy iinom ng malamig na tubig. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagpasok sa kanilang kuwarto. Lumagabog ang pinto.
Sa puntong iyon ay gusto ko nang sundan at sabihin ang mga natuklasan ko. Ibubulgar ko ang kataksilan ni Inay at Rocky. Sasabihin kong sa kuwarto pa nila ginagawa ang pagsasalo sa kasalanan! (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended