Inspirasyon ang pamilya (Ika-76 labas)
December 30, 2002 | 12:00am
True-to-life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula ng Western Police District (WPD)
MABUTING asawa at ama. Iyan ang isa sa pinakamagandang mailalarawan sa katauhan ni Supt. Romulo Sapitula. Hindi niya itinataas ang sarili pero maisisigaw niya sa buong mundo na tapat siya sa kanyang pamilya. Dahil sa kanyang pamilya kaya siya nagsisikap na mabuti. Ibig niyang mabigyan ng mabuting buhay ang kanyang pamilya. Ibig niyang sa pagsisikap at pagtitiyaga ay magkaroon sila ng maayos na pamumuhay. Pangarap niyang mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang tatlong anak.
Taas-noong ipinagmamalaki ni Sapitula ang pagiging matalino ng kanyang anak na panganay na si Roma Ellana na nagkamit na ng maraming karangalan sa pag-aaral. Biro nga niya, "nagmana kasi siya sa ama". At hahalakhak nang mataginting. Kung matalino ang anak na babae, ganoon din naman ang dalawa pang anak na sina Ralph Errold at Roemiko Ernand. Mababait na mga bata.
Mataas ang kanyang pangarap at ganoon din ang maybahay niyang si Eleonor para sa tatlong anak. Kasingtayog ng mga maliliwanag na bituin sa langit. Kaya nga ba kapag naalala niya ang mga mabibigat na problema noon kaugnay ng pagtupad niya sa tungkulin bilang pulis ay napapailing siya. Mabuti na lamang at naging matibay siya sa problema. Kung hindi paano na kaya ang kanyang pamilya. Paano ang kanyang pangarap sa mga ito kung hindi siya naging matatag. Nakadarama siya ng pagmamalaki dahil sa tibay na kanyang ipinakita sa pagharap sa problema. Nagdulot iyon ng di-matatawarang lakas para harapin at gumawa pa ng mga imposibleng pangarap.
Ang lahat ng kanyang natamong tagumpay ay iniaalay niya sa kanyang mahal na asawa at tatlong anak. Ang mga ito ang dahilan kaya siya nagsisikap at lalo pang nagiging masipag.
(Tatapusin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended