Haharapin ang anumang pagsubok (Ika-74 labas)
December 28, 2002 | 12:00am
True-to-life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula ng Western Police District.
HINDI mabuting kaibigan at hunyango! Iyan ang nailarawan ni Sapitula sa inaakala niyang kaibigan na pinagsanglaan niya ng kanyang "mahalagang bagay". Kung mabuting kaibigan, hindi nito pag-iinteresan ang bagay na isinangla sa kanya. At kung mabuting kaibigan, hindi na siguro kailangan pang magkaroon ng sanglaan, pauutangin na lamang siya na walang kolateral. Ang pagkaalam ni Sapitula sa isang kaibigan ay yung handang dumamay na walang hinihinging kapalit. Siya rin yung nadarama ang paghihirap o pagdurusa ng kanyang kaibigan. Nagkamali pala siya sa pagtingin.
Nagpapasalamat naman si Sapitula sapagkat maaga niyang nalaman ang tunay na kulay ng itinuring niyang kaibigan. Mabuti na lamang at nasubukan niya ito dahil lamang sa isang "bagay". Mula noon ay hindi na niya nakita ang "kaibigang hunyango".
Isang maipupuri kay Sapitula ay ang hindi mapagtanim ng sama ng loob. Kung sumama man ang kanyang loob iyon ay pansumandali lamang. Madaling mawala ang siklab ng kanyang galit. Madali siyang magpatawad sa sinumang nagkasala sa kanya.
Sa matagal nang panunungkulan ni Sapitula sa Western Police District ay marami na siyang nakuhang award. Isang pagpapatunay na nagampanan niya nang mahusay, malinis at walang pagkukunwari ang kanyang tungkulin. Ang mapagsilbihan at maprotektahan ang mamamayan ang nasa kanyang isipan.
Dahil sa kanyang dedikadong pagtupad sa tungkulin, ginawaran si Sapitula nang pinakamataas na pagkilala noong February 23, 1999. Ginawaran siya ng LAKAN AWARD. Noong Dec. 4, 1999, nakamit niya ang titulong JUNIOR PCO of the Year under individual awards. Siya rin ang nagkamit para sa SPECIAL AWARDS ng taon ding iyon.
Dahil sa kasipagan at katapatan, hindi nakapagtataka na mabilis ang kanyang promosyon. Isa siya sa pinakabatang opisyal sa WPD na humawak na nang maraming posisyon.
At ayon kay Sapitula, nakahanda siyang gampanan ang mga tungkuling iaatang pa sa kanya. Kakayanin niya ang lahat sa tulong ng Diyos. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended