HANGGANG sa kasalukuyan ay patuloy ang project ni Sapitula para sa mga bata sa Damas Pilipinas, ang kaibhan nga lamang sinolo na niya ang pagbibigay ng donasyon sa nasunog na ampunan. Hindi na niya inobliga ang kanyang mga tauhan sa Mobile Unit na mag-donate ng piso bawat buwan sapagkat alam niyang mababa ang suweldo ng mga pulis. Magiging kabawasan din ang halagang iyon sa kanyang mga tauhan kaya siya na lamang ang nagpatuloy.
Ang gawaing iyon ay labis namang ikinatuwa ng mga namamahala sa ampunan lalo na si Lola Nena. Bakas sa mukha ni Lola Nena ang katuwaan sa ginagawa ni Sapitula.
Maraming bata ang nakikinabang sa ginagawa ng police officer.
Isa rin sa mga proyektong nagpaningning sa pangalan ni Sapitula ay ang paglulunsad niya ng "COMPAC" na ang kahulugay Community and Mobile Patrol Against Crime. Ang project ay magkatulong na ginagawa ng District Mobile Patrol Unit (DMPU) na kanyang pinamumunuan at mga opisyal ng barangay sa Maynila.
Nagsasagawa si Sapitula ng platoon formation sa harap ng Barangay Hall at saksi ang mga barangay official at tanod at kasunod noon ay ang "Ugnayan". Ang paglaban sa krimen ang kanilang tinatalakay sa "Ugnayan". Ang project na "COMPAC" ang kauna-unahan sa kasaysayan ng DMPU at WPD.
Kapag sumasapit ang Dec. 31 o New Years Eve, aktibo si Sapitula sa pagpapaalala sa publiko na huwag magpapaputok ng baril. Nagsasagawa sila ng mobile patrol motorcade sa buong siyudad ng Maynila. (Itutuloy)