Maging matapat sa lahat ng oras (Ika-62 labas)
December 16, 2002 | 12:00am
(True-to-life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, Commanding Officer ng WPD-Mobile.)
"HONESTY is the best policy," ito ang sinusunod ni Sapitula mula pa noon. Ang panuntunang ito ay nakuha niya sa loob mismo ng kanilang pamamahay. Maayos silang pinalaki ng mga magulang. Nakatatak sa kanang isipan ang ganitong panuntunan na hindi na maaalis kahit kailan. Ang katapatan ang pinakamabuting panuntunan sa buhay.
Ang katapatan ng isang pulis, ang isang mabuting paraan para mapalapit sa puso ng taumbayan. Kaya naman mahigpit na ipinatutupad ni Sapitula sa kanyang mga tauhan sa WPD-Mobile ang pagiging matapat sa lahat ng oras. Sinabi niya sa kanyang mga tauhan na ang pagiging pulis ay isang marangal na propesyon kaya dapat magpakita ng halimbawa. Kapag naipakita ng bawat isa ang pagiging matapat sa tungkulin tiyak na mapapawi ang alinlangan sa buong kapulisan. Ang pagkatakot sa Diyos ay nakatanim din sa isipan ni Sapitula. Alam niya na ang taong may takot sa Diyos ay ginagabayan para maabot ang tagumpay.
Bihira nang makakita ng mga taong tapat sa panahong ito. Mabibilang na siguro sa daliri ang mga taong tapat, at dito ay kabilang ang mga tauhan ni Sapitula na nagsauli ng natagpuan nilang pera sa kahabaan ng Roxas Blvd. noong madaling araw ng Jan. 12, 1999. Kung gugustuhin ng mga tauhan ni Sapitula, maaari nilang ibulsa ang P4,500 na natagpuan nila subalit "nakatanim" na nga sa kanila ang laging paalala ni Sapitula na maging "tapat" sa lahat ng oras.
Ang P4,500 ay pag-aari ni Mr. Roque B. Rodriguez ng Paco, Manila. Tinawagan ni Sapitula si Mr. Rodriguez at isinauli rito ang pera.
Isa pang magandang halimbawa ay nang isang Japanese ang kanilang tinulungan. Lasing na la-sing ang Japanese na si Oike Muneake at kinakaladkad ng dalawang bayarang babae sa Quirino Ave. Gustong kunin ng dalawang babae ang P40,000 ni Oike. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended