Ang suhol na P20 thousand (Ika-60 labas)

(True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula. Commanding Officer ng WPD-Mobile)

NAGPANTING ang taynga ni Sapitula, sa lahat ng ayaw niya ay ang susuhulan siya. Para bang bibili lamang ng kung anong bagay ang lalaking nagngangalang Martin Yyang.

Sinabi ni Sapitula na maayos ang kalagayan ng limang Chinese nationals at iniimbestigahan pa dahil sa nagawang violations.

Muling inulit ni Yyang ang panunuhol kay Sapitula.

"Eto P20,000 malaki na tulong ito pamilya mo. Pakawalan mo lamang sila."

Hindi nagpahalata si Sapitula na mayroon siyang binabalak laban kay Yyang.

Pinaliwanag niya ang mukha at sinabi kay Yyang, "Bumalik ka bukas at pag-usapan natin ito, okey?"

"Bakit di ngayon?"

"Delikado,"

"Sige ako balik bukas. Dala ko ‘to pera para iyo palayain lang mga Chinese."

Napangiti si Sapitula. (Itutuloy)

Show comments