Pakikipagtous sa Bonnet Gang (Ika-57 labas)
December 11, 2002 | 12:00am
True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, Commanding Officer ng WPD-Mobile
IKALIMANG araw ng burol nina "Batman and Robin" nang magkaroon ng liwanag ang madugong pagpatay sa kanila ng Bonnet Gang. Itinuro ng impormanteng tinedyer kung saang lugar maaaring makita ang grupo na kinabibilangan ng anim na miyembro.
"Ang apat ay nakatira sa Holy Spirit, Fairview, Quezon City samantalang ang dalawa ay sa Marikina."
"Sigurado ba to Bay?"
"Sigurado Major."
Nabuhayan ng loob si Sapitula sa mga sinabi ng impormante. Hindi pa man, nakasisiguro na si Sapitula na magkakaroon na ng bunga at mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang dalawang tauhan. Sa totoo lamang, parang nakikini-kinita pa ni Sapitula ang walang patlang na pag-iyak ng asawa at mga anak nina PO3 Maximino Mendoza at PO2 Ronaldo Reyes na binansagan ngang "Batman and Robin" ng WPD Mobile Divison. Naipangako ni Sapitula na gagawin ang lahat ng paraan para madakip ang mga suspect na pumatay kina "Batman and Robin".
Nakakuha ng warrant of arrest sina Sapitula sa RTC Branch 25 at pagkaraan niyon, bumuo na sila ng team ni Supt. Laciste ng DISU. Nang handa na ang lahat, ginawa nila ang pagsalakay sa hideout ng Bonnet Gang dakong alas singko ng umaga. Ang grupo ni Sapitula ang sasalakay sa Fairview samantalang si Laciste naman sa Marikina.
"Maghanda kayo," sabi ni Sapitula sa kanyang mga tauhan, "mga propesyunal na killer ang huhulihin natin. Maaaring lumaban."
Ganoon din ang sinabi ni Supt. Laciste sa kanyang mga tauhan.
Tahimik na tahimik ang lugar na iyon sa Fairview nang dumating sina Sapitula. Sa katahimikan ng lugar ay hindi aakalain na may naninirahan doong mga halang ang kaluluwa. Maingat na narating nina Sapitula ang hideout ng grupo. Walang kamalay-malay ang apat na miyembro ng Bonnet Gang na nakagapang na ang grupo ni Sapitula sa kanilang pinagtataguan.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended