Mapanganib na pag-aresto (Ika-28 labas)
November 12, 2002 | 12:00am
True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, Commanding Officer ng WPD-Mobile.
BAGO ang masalimuot at mapanganib na engkuwentro sa "16 Valve syndicate" noong 1994, hindi naman malimutan ni Sapitula ang ma-dramang pangyayari nang arestuhin nila ang kilabot na drug pusher ng Pilapil, Tondo na si Victor Meneses (karugtong na istorya ito na lumabas kahapon. Ed).
Si Meneses ay isang takas na bilanggo sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City at may kasong murder. Sa matiyagang pagsubaybay ni Sapitula na noon ay Senior Inspector at nakatalaga sa Narcotics Division ng WPD, nalaman niyang sangkot sa illegal drug trade si Meneses.
Nagsagawa sila ng buy-bust operation. At pagkaraan niyon, ginawa nila ang pag-aresto kay Meneses.
Pero hindi naging madali ang pag-aresto sa pusher. Nalagay sa mapanganib na sitwasyon sina Sapitula at ang walo niyang tauhan sa Narcotics.
Sa isang malaking compound nakatira si Meneses. Nalaman ni Sapitula na pawang kamag-anak ni Meneses ang mga nakatira roon. Nang papasukin na nila ang compound para arestuhin ang pusher ay mahigpit na nagbilin si Sapitula sa kanyang mga tauhan. "Alisto kayo. Maaaring bakbakan nila tayo rito at baka hindi na makalabas nang buhay."
Napapaligiran sila ng mga bahay at nakapagtatakang wala silang nakikitang mga tao roon. Tahimik ang kapaligiran na para bang nagbabadya ng isang panganib. Pero ang katahimikang iyon ay hindi naghatid-takot sa grupo ni Sapitula.
Mabilis ang pangyayari at naganap ang pag-aresto kay Meneses. Hindi nakaporma ang pusher. Parang dagang walang masulingan. Nakuha sa possession nito ng undetermined amount ng shabu.
Nang ilabas nila ng bahay si Meneses ay saka naglabasan ang mga kamag-anak nito. Napuno ng tensiyon ang paligid. Hindi halos nila maakay patungo sa labasan si Meneses dahil sa pagharang ng mga kamag-anak sa dadaanan.
Nang naisakay na nila sa owner-type jeep si Meneses at paaandarin na para umalis, isang babaing kamag-anak nito ang biglang humiga sa kalsada, sa mismong unahan ng jeep. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended