MATINDI ang galit ni Sapitula sa mga drug pushers. Itinuring niya ang mga ito na "salot ng lipunan". Naniniwala si Sapitula na ang pagkalat ng droga sa lipunan ang ugat ng mga krimen. Ang mga salot ang dapat sisihin kung bakit may mga pagpatay, panggagahasa at pagnanakaw at kung anu-ano pang malalagim na krimen. Isa sa mga problema ng lipunan ang talamak na pagkalat ng droga.
At naipangako ni Sapitula sa sarili na tutulong siya para tuluyang masugpo ang mga nagpapakalat ng droga sa lipunan.
Hanggang sa magkakrus ang landas nila ni Noel Pangan, isang kilabot na drug pushers sa Legarda St. Sampaloc, Manila. Ang totooy matagal nang naririnig ni Sapitula ang pangalan ni Pangan dahil sa pagiging notorious sa pagtutulak ng droga. Nagkaroon siya nang matinding pagnanais na siya ang makahuli sa 20 anyos na drug pusher na ang galamay ng pagtutulak ay sumakop sa buong Sampaloc area. Naging matunog ang pangalan ni Pangan at bukambibig ang pagiging mapanganib. Hindi basta-basta magpapahuli nang buhay ayon sa mga nakalap na impormasyon ni Sapitula.
Lalo nang naging usap-usapan ang pangalan ni Pangan nang pumutok ang balita na sinalvage umano nito ang dalawang kasamahang "tulak" dahil hindi nito sinunod ang kanyang mga utos hinggil sa malaking drug deal sa isang lugar sa Sampaloc.
Ang pangyayari ay lalo lamang nagpatapang kay Sapitula para hulihin sa lalong madaling panahon ang salot na si Pangan.
Ang mapanganib na misyon ay ginawa ni Sapitula noong gabi ng August 23, 1991. (Itutuloy)