^

True Confessions

Tinanggihan ang P 500 (Ika-23 labas)

- Ronnie M. Halos -
True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula,Commanding Officer ng WPD-Mobile

MABILIS na pinuntahan ni Sapitula ang kinaroroonan ng dalawang pulis na nakita niya kanina. May hinala siya na may kinalaman ang dalawang pulis sa lisensiyadong baril ni Mr. Hayag.

Nakita agad niya ang dalawang pulis. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa sa pagtatanong sa mga ito. Deretsahan na.

"Ilabas n’yo ang baril na kinumpiska n’yo kagabi!"

Ang dalawang pulis ay namutla. Hindi agad nakakibo sa deretsahang tanong ni Sapitula. Ang pagkaantok sa mukha ay biglang napawi. Parang pinutukan ng bomba.

"Ibigay n’yo sa akin bago kayo makasuhan. Gusto n’yo bang sa kangkungan pulutin?"

Ang tinig ni Sapitula ay may bigat. Hindi siya nagbibiro sa sinabi. Hindi uubra sa kanya ang masamang gawain ng kapwa pulis. Paano pagtitiwalaan ng mamamayan ang mga pulis kung may gumagawa ng kalokohan.

"Akina ang baril!"

"Yes, Sir!" sabi ng isa at umalis. Nang bumalik dala na ang baril na lisensiyado.

Solve ang problema. Ibinigay sa kanya ang baril. Pinangaralan niya ang dalawang pulis na para bang maamong tupa ng mga sandaling iyon.

Tuwang-tuwa si Mr. Hayag nang iabot ni Sapitula ang baril. Labis-labis ang pasasalamat.

Ang hindi inaasahan ni Sapitula ay nang bigyan siya ni Mr. Hayag ng P500. Tinanggihan niya iyon.

"Hindi ko matatanggap ‘yan Mr. Hayag," sabi ni Sapitula.

"Sige na Tenyente. Bilang pagtanaw ko ng utang na loob sa iyo."

"Wala po iyon. Tungkulin kong tulungan kayo."

"Maraming salamat Tenyente. Kung ako naman ang may maitutulong sa iyo, huwag kang mahihiya. Ako nga pala ang may-ari ng Hayag Motors na gumagawa ng Malagueña jeepney."

(Itutuloy)

vuukle comment

AKINA

BARIL

COMMANDING OFFICER

HAYAG MOTORS

MR. HAYAG

PULIS

ROMULO E

SAPITULA

TENYENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with