Kasaysayan ni Nelia ng HK: 'Hindi lahat ay masama' (Ika-134 na labas)
October 13, 2002 | 12:00am
(Ang kasaysayang ito ay nangyari sa Riyadh, Saudi Arabia. - Editor)
GUSTO kong mawalan ng pag-asa nang hindi ako tulungan ng Pinoy na taxi driver na pinara ko. Kung sino pa ang kababayan ay nagkait ng tulong. Natakot marahil nang mapansin na punit ang aking daster. Nakahalatang may masamang nangyari sa akin. Hindi ako tinulungan at baka siya masabit sa kaso. Ibig kong umiyak sa pagkakataong iyon.
Hanggang sa makita ko ang isang paparating na sasakyan. Pinara ko. Hindi ko napansin na isa pala iyong private car at hindi limousine (tawag sa taksi sa Saudi). Mas lalo akong nagulat nang makitang ang driver ay isang Saudi.
"Weyn tamshi? Keif akhdemak?" tanong sa akin matapos ibaba ang bintana ng kotse. Saan daw ako pupunta.
Hindi ako makasagot sapagkat baka kapahamakan muli ang aking kamtin. Baka sa halip na tulungan ako ay ipahamak ako. Baka ibalik pa ako sa bahay ni Mayman.
"Me ain taji?" tanong pa ng Saudi. Saan daw ako galing.
Hindi pa rin ako sumasagot.
"Ain taskon?" tanong pa uli.
Bumunghalit na ako ng iyak. "Anajdah! Sa-edni," sabi ko pagkatapos. Tulungan niya ako. At ipinagtapat ko na ang pangyayari. Na gusto akong reypin ng aking amo at tumakas ako para hindi mangyari ang masamang balak. Ipinakita ko ang wakwak na bahagi ng daster. Tatangu-tango ang Saudi. Sa mga mata ay naroon ang simpatya at pagkaawa sa akin.
"Taal, Filibin," sabi. Pinasasakay ako sa kotse. Ibinukas nito ang pintuan sa hulihan.
"Taal. Mosta, jel," bilisan ko raw at baka abutan ako ng aking amo. Sa sinabing iyon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na tutulungan ako ng Saudi. Hindi niya ako isusuplong o kaya ay ibabalik sa bahay na aking pinanggalingan. Mabilis akong sumakay sa kotse.
Tinanong ako kung alam ko saang lugar ang Philippine Embassy. Ang embassy noon ay nasa may Olaya District pa. Siguroy may kalahating oras takbuhin mula sa aming tirahan sa may Naseem.
Sinabi ko ang lugar at mabilis na pinatakbo ng Saudi ang kotse. Ang naramdaman kong kaba ay unti-unti nang nawawala. Safe na ako sa hayok na si Mayman. Hindi na niya ako mahahabol. Kinapa ko ang bread knife na nasa aking bulsa. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am
January 3, 2025 - 12:00am