Kasaysayan ni Nelia ng HK: 'Pagtakas' (Ika-132 labas)

KINABUKASAN ay maagang umuwi ng bahay si Mayman. Katatapos lamang ng salat (dasal) ng tanghaling iyon nang dumating. Hindi na ako kinabahan. Tinawag ako. Hinahango ko noon ang mga damit sa washing machine.

"Taal hena,"
sabi nito at itinuro na pumanhik kami sa itaas. Sinunod ko siya. Nakahanda na ako sa anumang mangyayari. Nasa bulsa ng aking daster ang bread knife. Naiplano ko na ang lahat. Kinagabihan ay nailagay ko na sa isang bag ang aking mga damit at pera. Dadamputin ko na lamang kung sakali. Tatakas ako kapag "pinilit" ni Mayman. Sasaksakin ko kapag pinigilan niya akong umalis.

Ibinukas nito nang maluwang ang pinto. Pumasok ako. Ang kanang kamay ko ay nakadukot sa bulsa ng daster at kinakapa ang bread knife.

Hayok na talaga si Mayman na parang walang kasawa-sawa. Ang kalibugan ay nakita ko sa mga mata niya. Kahit may menstruation ako ay walang pakialam. Hinalikan ako sa leeg. Inihanda ko ang sarili. Bumitaw sandali at hinubad ang thob at ang puruntong na white shorts. Umigkas ang "ari". Lumapit sa akin at ikiniskis iyon. Nang ililis nito ang laylayan ng aking daster ay noon ko ginawa ang balak.

Buong-buo ang aking loob. Itinulak ko nang buong lakas ang hayok. Sumadsad ito sa kama. Hindi makabangon sa pagkabigla. Sinamantala ko iyon. Tumakbo ako. (Itutuloy)

Show comments