^

True Confessions

True Confession ni Nelia, isang DH sa HongKong: 'Nasisiyahan ang hayok...' - (Ika-130 labas)

- Ronnie M. Halos -
HINDI agad nakakilos pagkatapos ng kakaibang ritwal na iyon. Masakit ang bahaging iyon. Hindi ko kayang tumayo mula sa kama. Nagpatihulog ako sa baba at bumagsak ako sa carpet. Hindi naman ako nasaktan sapagkat malambot ang carpet. Naawa yata ang hayok at inabot ang aking kanang kamay subalit hindi ako bumangon. Nanatili ako sa pagkakahiga sa carpet. Ang hapdi ay hindi ko maipaliwanag.

"Mafi muskila,"
sabi na naman ng hayok at isinuot ang puting salwal na animo’y puruntong, pagkatapos ay t-shirt at ipinatong ang thob. Saka isinuot ang gutra.

"Hasanon,"
sabi at dinukot ang pitaka sa bulsa ng thob. Binigyan ako ng pera. Isang libong riyal. Walang ipinagkaiba sa dati nang ginagawa. Ipinatong sa ibabaw ng kama. Saka ay tangkang hawakan ako sa kamay. Iwinaksi ko.

"Yakfi,"
sabi ko.

Tumawa si Mayman. Tawang lalong nagpahapdi sa aking nararamdaman. Para bang sa kanya ang nangyari ay karaniwan na lamang. Na ang babae kapag may menstruation ay maaaring "gamitin" doon. Lalo pang lumakas ang tawa nang nakikitang nahihirapan ako.

"La tadh-hak,"
sabi ko. May taas na ang boses ko. Sabi ko’y huwag siyang tumawa. Hindi nakatatawa ang ginawa niya.

Tumigil sa pagtawa at dinampot ang pera at ibinagsak sa paanan ko. Sinabihan akong tumayo at ayusin na ang sarili dahil may pupuntahan siya.

"Ana mostajel,"
sabi pa sa akin. Bilisan ko raw.

Wala akong nagawa kundi pilitin ang sarili. Dinampot ko ang daster at panty at isinuot. Pagkatapos ay dinampot ko ang pera at sinilid sa bulsa ng daster. Kailangan ko iyon. Nakatingin sa akin ang hayok nang gawin ko iyon.

(Itutuloy)

AKO

BILISAN

BINIGYAN

DINAMPOT

HASANON

IPINATONG

ISANG

SAKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with