True Confession ni Nelia, isang DH sa HongKong: 'Paalam mahal' (Ika-126 na labas)

TATLONG buwan ang nakalipas mula nang mapagpasasaan ni Mayman ang aking katawan ay hindi ko akalaing magkaroon ng kasagutan ang mga tanong na nagpapagulo sa aking isipan. Aaminin kong sinusurot ako ng budhi dahil sa pagpayag kong mapagparausan ng aking among si Mayman. At maski ang paghahangad ko kay Rashid ay nagkakaroon na ng kaguluhan sa akong isipan. Pati ang pagtanggap ng pera sa kanila na isang palatandaan na ako’y isang babaing bayaran. Aaminin kong kahit na kumikita ako nang malaki kapalit ng aking katawan, parang walang kuwenta ang lahat. Walang silbi. Ewan ko, subalit iyon ang naramdaman ko sa mga sumunod na buwan.

Hindi ko alam kung natunugan nina Mayman at asawa nito ang pagkakaroon namin ng ugnayan ni Rashid. Nagtaka ako sapagkat bigla na lamang itong dinala sa Al-Khobar. Noon ay katatapos lamang ng Ramadan (sagradong buwan ng mga Muslim). Kay Rashid ko mismo nakumpirma na sa Al-Khobar siya pupunta. Kinagabihan ay palihim siyang nagtungo sa aking kuwarto at sinabi ang balak ng kanilang mga magulang. Sa kanyang amm (uncle sa father side) daw siya pupunta at baka doon na ipagpatuloy ang pag-aaral. Mas maganda raw ang school sa Al-Khobar kaysa Riyadh. Ayon kay Rashid, magiging engineer daw siya pagdating ng araw. Iyon daw ang gusto ng kanyang waled at waledah. At bukod doon, mas maganda raw ang training ng qurat al qadam (football) sa Al-Khobar.

Gimbal ako sa mga sinabi niya. Hindi pa man siya umaalis ay grabeng kalungkutan na ang naiisip ko. Paano na ako?

Hindi kami nakapag-sex ni Rashid sapagkat unang araw ng "pulang dalaw" ko. Naintindihan naman niya. Ako ang gumawa ng paraan ng gabing iyon para siya mapaligaya. Nasiyahan naman siya sa aking ginawa.

Kinabukasan ay malungkot ako sapagkat papaalis na si Rashid. Ni hindi na kami nakapag-usap.

Ikalawang araw mula nang makaalis si Rashid ay nangyari ang masasakit na bahagi sa aking buhay. Hindi ko iyon malilimutan. Dumating dakong ala-una si Mayman at ibig akong gamitin. Pero paano mangyayari iyon gayong meron akong "pulang dalaw". Puwede naman daw kahit hindi roon. Gimbal ako. (Itutuloy)

Show comments