Kung minsan ay darating dakong ala-una ng hapon at tatawagin ako sa aking ginagawa sa kusina at paaakyatin sa kanilang kuwarto. Doon ay muli akong pagpaparausan. Walang kasawa-sawa si Mayman. Kapalit ng pagpaparaos ay ang kabayaran. Ganoon lamang kadali at pera na. Subalit may sumisikad sa aking konsensiya. Hanggang saan ako dadalhin ng pagkahulog sa mag-amang Saudi?
Hindi ko akalain na magkakaroon ng kasagutan ang mga iyon makalipas ang tatlong buwan. Noon ay katatapos lamang ng Ramadan (banal na buwan ng mga Muslim). Wala si Rashid sapagkat nasa Al-Khobar at doon pinalipas ang Ramadan. Hindi ko alam kung sadyang dinala roon sapagkat may nahahalata na sa amin.
Dakong ala-una ng hapon ay dumating si Mayman at gusto na naman akong gamitin. Subalit mali ang tiyempo sapagkat may menstruation ako noon. (Itutuloy)