Mahilig si Mayman. Kahit na walang menstruation ang kanyang sowja (asawa) na si Mrs. Mayman ay palihim na nagpupunta sa aking kuwarto ang hayok. Isa ang aking naiisip, nagsasawa na rin marahil sa putaheng dating kinakain. Gustoy iba namang putahe. Naisip ko baka ang mga naging maid niya ay tinikman na rin ng hayok. Sa pagkaalam ko, marami nang naging maid sina Mayman: may Indonesian, Bangladeshi at Pinay nga. Ang sinundan ko ay isang Pinay din. Bigla raw umalis ang Pinay. Nakita ko pa nga ang naiwang kahon ng damit. Baka tinikman din ng hayok ang maid. Ewan ko.
Mahilig talaga si Mayman. Kahit na nga nang minsang magbakasyon ang pamilya sa Al-Khobar, kasama ako, ay nakalulusot pa rin sa sowja at pinapasok ako sa kuwarto. At hindi naman ako makapiyok.
Naging masunuring "pokpok" ako sa Saudi. Pagkatapos ng anak ay ang ama naman. Kapag wala ang anak, ang ama ang nagpapasasa. Kapalit naman niyon ay perang aking hinahanap.
May mga gabi na naiisip ko ang aking kalagayan. Kung anu-ano ang aking naiisip. Hanggang saan hahantong ang pagpapaubaya at pagpapagamit ko sa aking katawan. Hanggang kailan ako magiging manikang de-susi na tanggap na lamang nang tanggap sa isinusubo?
(Itutuloy)